Chapter 10
Wala na si Corvette sa kama ng magising si Aicka kinabukasan. The whole day that they spend together inside the nipa is one of the wildest part of her life. Wala silang ibang ginawa kundi magtalik hanggang sa ang katawan nalang niya ang sumuko. Hindi niya matalo ang kakaibang sigla ni Corvette pagdating sa kama. She giggled at the thought.
Nag-inat pa siya bago tumayo at sinuot ang pares ng fresh underwears at ang bestida na nakita niyang nakapatong sa paanan ng kama. Mukhang iniwan ito ng binata para may maisuot siya sakaling magising pero nagtaka siya. Nasaan ngayon si Corvette?'
Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng Nipa para hanapin ito. Natagpuan niya itong natutulog sa duyang gawa sa rattan sa labas ng nipa. Only wearing his pair of ripped faded jeans. Magulo ang buhok nito but it doesn't lessen his gorgeousness, in fact it added more appeal to him.
Hindi alam ni Aicka kung anong sumanib sa kaniya at nag eenjoy siyang titigan ang binata. Umupo siya sa upuang kahoy na naroon at nakangiting pinagmasdan ang mahimbing nitong pagtulog. Hindi pa siya nakuntento, pinaglandas niya ang kaniyang hintuturo sa matangos nitong ilong pababa sa malambot nitong labi. Napalunok siya ng sunod sunod habang tinititigan iyon.
Those lips touch and devour every corner of her body last night. Pakiramdam niya ay minarkahan siya nito na pag aari nito kagabi. She became a full grown woman in his arms last night. Hindi man ito ang nakauna sa kaniya.. ramdam na ramdam niya sa buong pagkatao niya kung paano nito sambahin ang katawan niya. Kung iba ang tatanungin it's just a pure s*x. Pareho silang tao na nag iinit kaya tinugunan ang pangangailangan ng bawat isa pero iba ang ibig sabihin noon kay Aicka.
It was making love for her. Hindi niya na rin itatanggi na nagsisimula na niyang magustuhan ang personalidad ni Corvette. 'Hindi naman siguro masama, siya naman ang ama ng anak ko!'
Napangiti siya sa naiisip. Ang lalaking ito ang ama ng anak niya. Kahit kailan ay hindi niya naisip na magkaanak kay Clein pero bakit ganoon nalang kabilis sa kaniyang tanggapin si Corvette na maging ama ng anak niya, could it be?. 'Nah its too early to predict such thing, for now i want to know him more!'
Malaya niyang pinagsawa ang mga mata niya sa pagtitig sa binata. Paulit ulit rin niyang pinaglalandas ang daliri niya sa ilong nito, sa mga kilay at sa paborito niyang pisngi. She play her fingers in his stubles, nakikiliti siya pero sige pa rin ang paglalaro niya sa mukha nito. She smiled dreamily. 'Bakit ganon? Sobrang gwapo niya pala kesa kay Clein, lalo na pag nakatitig sakin ang berdeng mga mata na iyon at nakangiti sakin ang mapupula nitong labi! Hayy Corvette!' Napabuntong hininga siya sa naisip.
"In love kana ba sakin?"
Kamuntik na siyang mapasigaw ng magsalita ito. He opened his eyes and stare at her, those beautiful green eyes na parang nakikita na ang kalooban niya sa tuwing tititigan siya nito.
Ipinatong nito ang dalawang braso sa likod ng ulo nito para gawing unan at saka binigyan siya ng nakaka nginig tuhod na mga ngiti.
"Good Morning Love!" bati nito sa kaniya. Biglang parang tinadyakan ng kabayo ang puso niya sa bilis ng pagpintig noon. Hindi alam ni Aicka kung dulot ito ng mga ngiti nito o ang biglang pagtawag nito sa kaniya ng Love. Alin man sa dalawa ay pwedeng rason ng biglang kaba na iyon.
"G-Good Morning!" tanging nasabi niya.
"Hungry? tanong ni Corvette
Tumango nalang siya dahil ayaw niya muling mautal sa harap nito.
"Me too, i'm hungry for you!" nakangising sabi nito sabay kagat sa ibabang labi nito. Kaagad siyang pinamulahan ng maintindihan niya na ibang pagkain ang gusto nitong kainin.
"Corvette!!" singhal niya dito pero humagalpak lang ito ng tawa. Natigilan siya at pinagmasdan ang pagtawa nito. Lalo itong gumwapo sa paningin niya, the sound of his laughter is like a fine music to her ears. Napangiti nalang rin siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Tumayo na ito sa pagkakahiga at inalalayan siyang makatayo. "Bumalik na tayo sa hotel, gutom na ang anak natin!" he said. 'Anak natin, ang sarap naman sa pandinig.'
Nakangiting tumango si Aicka at sabay nilang nilisan ang paboritong lugar ni Corvette sa isla.
__________________________
It's almost 11 o'clock in the morning ng makabalik sila ni Aicka sa resort. Dumiretso na sila sa restaurant ng hotel para mag brunch.
Sa totoo lang ay masaya si Corvette. Kahit paunti-unti ay nararamdaman na niya ang pagtitiwala sa kaniya ni Aicka. Isa ng patunay doon ay ang hayaan siya nitong tumuloy sa cabin nito at alagaan ito at ang anak nila. He can feel that she's being soft with him now and thats a good sign for him.
Lalo pang nadagdagan ang pag asa niya ng may mangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Wala iyon sa plano niya pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag iinit sa dalaga. She has the gorgeous body, his mouth watered immediately when he saw her on that undies. Idagdag pa ang totoong nararamdaman niya dito, nagkasalo-salo na kaya hindi na niya nagawa pang pigilan ang kaniyang sarili. He made love with her. Ipinaramdam niya dito ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
'I know it's inappropriate but damn, i just can't stop myself.'
Sa tuwing nalalapit ito sa kaniya ay parang gusto nalang niyang ikulong ito kaniyang mga bisig at angkinin ang mga labi nito. Her lips is the sweetest. He can't get enough.
Napatingin siya sa dalaga. Pregnancy made her more beautiful in his eyes. Kahit noon pa man ay iba na ang tama niya kay Aicka at mas tumitindi pa iyon sa paglipas ng mga araw.
Hawak niya ngayon ang lahat ng pagkakataon para paibigin ito, at umaasa siyang hindi siya mabibigo. 'Aicka will be mine and mine alone bago pa man lumabas ang anak namin. Sinisiguro ko yan.'
Nasa pintuan na sila ng restaurant ng sumalubong sa kanila si Wesley which is so unusual for Corvette. Palagi lang kasi itong nasa cabin nito o kung hindi man ay sa clinic ng isla kapag doon ito naglalagi.
Doctor ang propesyon ng kaibigan niyang si Wesley. He could be the best surgeon in the country kung hindi lang mas pinili nito ang mag serbisyo sa maliliit na clinic kesa ang tanggapin ang nakaatang na responsibilidad dito bilang Director ng mga hospital na pag mamay ari ng pamilya nito. Ayon sa kaibigan ay nabobored ito sa ganoong klase ng trabaho. Mas gugustuhin pa daw nitong sumabak sa mga medical mission kaysa ang maburo sa loob ng opisina kaharap ang sandamakmak na papeles.
"Good Morning Wesley!" bati ni Aicka dito at tinanguan naman ito ng kaibigan niya. Hindi kasi palasalita si Wesley, suplado nga ito ika ng iba.
"Hey man, himala yata at napalabas ka?!" nang aasar niyang tanong.
"They made me out!" simpleng sagot nito. Magtatanong na sana siya kung sino ang tinutukoy nitong nagpalabas dito ng makita niya mula sa likuran ni Wesley ang papalapit na mga kalalakihang kilalang kilala niya.
"Corvette mah men, what's up!" buong ngiting bati sa kaniya ni Boris. One of his friend and Co-Gang leader. Kasama pa nito ang iba pa nilang kaibigan.
"Anong ginagawa niyo dito??" kababakasan ng pagkalito ang mukha ni Corvette. Hindi naman sa hindi siya natutuwa na naroon ang mga ito, ang kaniya lang— he wants to have more time with Aicka. But now that his friends are around mukhang mahihirapan siya dahil hindi imposibleng makatanggap siya ng kantiyaw mula sa mga ito. Lalo na kay Boris.
"Wesley invited us, padespedida mo daw kasi mag aasawa kana!!" Boris said. Binuntutan pa iyon ng nangangantiyaw na tawa.
Lumipat naman ang tingin niya kay Wesley pero nanatiling walang reaksyon ang mukha nito. "I didn't say that!" tipid na sagot nito. Napabuntong hininga nalang si Corvette. Narito na ang mga ito ano pa bang magagawa niya. Hindi niya rin magagawang paalisin ang mga ito lalo at kasama si Griffin.
He's the Gang founder and Creator. Ito rin ang nagbigay ng membership sa kaniya kaya nirerespeto nila ito sa grupo.
"Di mo man lang ba kami ipapakilala sa kasama mo? Kasi kame kilala na namin siya!" singit naman ni Alec. Pumapangalawa ito kay Boris sa pagiging madaldal, idagdag pang may pagka chismoso ang isang ito.
"Kilala niyo ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Aicka.
Biglang sumundot ang kaba kay Corvette. Akmang sasagot si Boris kaya inunahan na niya ito.
"Nagugutom ka na diba?" tanong niya kay Aicka. Mukhang noon lang rin nito naalala ang dapat nilang gagawin sa restaurant kaya kaagad na nabaling ang atensiyon nito sa kaniya.
"Yeah i almost forgot, nagugutom na kami ni Baby!" nakangusong sagot nito. She look cute and adorable to his eyes, parang wala na namang ibang tao sa paligid ni Corvette ng mga oras na iyon. Tanging si Aicka lang ang nakikita niya.
"Okay let's go inside!" yakag niya dito. Masigla naman itong nagpatiuna. Binalingan naman niya ang mga kaibigan at gusto niyang matawa sa itsura ng mga ito. Parang nakakita ng isang hindi kapani-paniwalang bagay ang mga ito lalo na si Boris.
"Eeww man, you're in love!" he look disgusted while saying those words. Naiiling na niyaya na rin niya itong pumasok para makasabay sa kanila sa pananghalian.
________________________
Matapos kumain ay inihatid siya ni Corvette sa kaniyang Cabin. Hindi siya nito masasamahan dahil may biglaang meeting ito sa isang investor na naroon din sa isla. Kahit gusto ni Aicka na samahan siya nito sa pamamasyal ay hinayaan nalang niya ito, tutal iyon naman ang gusto niya mula ng pumunta siya sa isla. Ang mapag isa. Hindi lang yon kaagad na nangyari dahil nalaman niyang buntis siya at ang ama ay si Corvette.
He wants to take care of her thats why its hard to be alone on that place.
Ilang sandali lang ng makaalis si Corvette ay lumabas rin siya ng Cabin. Naglakad lakad sya sa dalampasigan at sinamyo ang sariwang simoy ng hangin. Hindi gaanong katingkad ang araw kaya naman naengganyo siyang lumangoy sa asulang dagat.
She took off her tank top leaving her one piece red bathing suit. Gusto niyang matawa ng makitang may ilang turistang lalaki ang napahinto at nakatingin sa kaniya. Hindi pa gaanong halata ang kaniyang tiyan kaya naman kaya niya pang magsuot ng mga ganoon kasexy na damit.
Hindi niya pinansin ang mga ito at pumunta nalang sa dagat para lumangoy. She took a few laps at naupo sa buhanginan ng makaramdam ng pagod. Pumwesto siya sa lilim ng isang puno ng niyog at doon ay pinagmasdan ang tahimik na karagatan.
Nasa ganoong posisyon siya ng matanaw niya sa di kalayuan si Corvette. Hindi ito nag iisa, may kasama itong matandang lalaki at isang babae na parang linta kung makakapit rito. Nag uusap ang dalawang lalaki habang nag lalakad. Hindi man nakikisali ang babae pero naiirita siya sa paraan ng paghawak nito kay Corvette. 'Bakit siya ganon, daig niya pa ang linta na di na kakawala!"
Nagpupuyos ang damdamin ni Aicka sa hindi niya malamang dahilan. Nabubuwisit siyang tignan ang dalawa kaya nagpasya nalang siyang bumalik sa cabin niya. Nasira na ng babaeng yon at ni Corvette ang araw niya.
Pabalik na siya ng harangin siya ni Boris. Kaibigan ito ni Corvette at nakilala na niya ito kanina. Gwapo ang lalaki at nakakahalina ang malalim nitong dimple sa kaliwang pisngi. Nakakaturn off lang dito ang pagiging madaldal nito.
"May kailangan ka?" iritableng tanong niya. Umiinit na talaga ang ulo niya, gusto niyang kumalma pero paano niya gagawin iyon gayong hindi nya nga rin maintindihan kung bakit siya naiinis.
"Woah chill ako lang to si Boris, the hot guy!" nakangising sagot nito. Inirapan niya lang to pero tumawa lang ang binata.
"Where's Corvette?!" tanong nito. Napatingin siya sa puwestong kinalalagyan nito kanina. Naroon pa rin ito at ang lintang babae, nagtatawanan na ang mga ito kaya lalo siyang nainis. Gusto niyang sugurin ang babae at ingudngud sa buhanginan pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya ng eskandalo.
'Hindi ko yon gagawin dahil lang naiinis ako kay Corvette, mas naiinis ako sa kirengkeng na babaeng yon. Hmpf!'
Binalingan niya si Boris na nakatingin na rin pala sa tinitignan niya kanina. Tumingin ito sa kaniya at naroon ang nakakalokong ngisi sa labi nito.
"Wanna prove something?" tanong nito.
"Something what?!" she asked.
"Corvette's love for you!" sagot nito.
Tumaas ang kilay niya. "He doesn't love me, h-he's just being concern because he's the father of my child kaya malaya siyang makipaglandian sa kung sinong haliparot na babae diyan!" sarcastikong saad nya.
"Hindi iyon ang sinasabi ng mga mata mo, i can see something in it!" he said. "Jealousy!" dugtong nito.
Hindi siya nakasagot agad. Napaisip rin si Aicka. 'Am i jealous to that b***h? Bakit naman ako magseselos, hindi ko naman gusto si.. wait hindi pa nga ba??'
Muli siyang tumingin kay Corvette at sa babaeng naka dikit dito. Naroon ang pakiramdam na gusto na naman niyang sugurin ito at saktan.
'Pagseselos na ba itong nararamdaman ko? Gusto ko na ba si Corvette?'
"I have a plan!" pukaw ni Boris sa atensyon niya.
Hindi alam ni Aicka pero may pakiramdam sya na magugustuhan niya ang mga susunod na sasabihin ni Boris.
Bumaling siya dito. "Spill
___________________________
Sumapit ang gabi. Hindi na nagkadaop ang landas nila ni Corvette dahil naging abala ang binata sa pag aasikaso ng party sa hotel.
Ayon sa narinig niya ay birthday daw ng anak ng investor na kausap ni Corvette kanina kaya magkakaroon ng party sa events hall ng hotel. Gusto nitong icelebrate ang kaarawan at bagong partnership with Corvette.
Everyone is invited including her. Casual lang ang party, mabuti na rin at handa sya lahat ng oras—may damit siyang maisusuot para sa gabing iyon and she is so sure na maglalaway ang lahat ng kalalakihang makakakita sa kaniya. Which includes Corvette.
Dalawang bagay lang ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Una para malaman kung totoo bang gusto sya ni Corvette. Ang plano ni Boris ay pagselosin ang binata para maipakita sa kaniyang seryoso ito sa nararamdaman sa kaniya. At pangalawa, ay para madiskubre na niya ang tunay nyang nararamdaman para dito.
May hinala na siya sa kung ano iyon pero ayaw muna niyang paniwalaan ito. She needs proof. Lots of proof. Ayaw na niyang magkamali sa susunod na lalaking iibigin niya kaya gusto niyang makasigurado muna.
She took a last glance on the mirror, at gaya ng palagi ay hindi siya nadidissapoint sa itsura. Hakab sa katawan niya ang itim na long sleeve, backless dress. It has a decent cut in the front and a revealing back cut. Hanggang sa gitna ng kaniyang mga hita lang ang haba nito. She paired it with a black wedge, leather purse and a silver accesories.
She put a light make up to give life to her pale skin and put her hair in a bun. Nagwisik pa sya ng pabango bago lumabas. Nasa labas na ng cabin niya si Boris ng makalabas siya.
He look at her from head to foot and gave her a playful grin after. Mukhang natuwa ito sa ginawa niyang pag aayos.
"No wonder why Corvette is so obssessed with you! makahulugang sabi nito. She just rolled her eyes.
"Shall we?" she asked. Tumango ito at inalalayan siya sa paglalakad.
Marami ng tao sa event hall ng hotel ng makarating sila. Gusto magtampo ni Aicka dahil gusto niyang si Corvette ang makapareha sa gabing iyon pero masyado itong abala sa pag aasikaso ng party, ni hindi nito naalala na kamustahin man lang siya.
Kinaiinis niya ang nararamdaman pero wala naman siyang magagawa. Kung bakit naman kasi nagsimulang tumubo ang damdaming iyon sa kaniya. Hindi siya mapalagay at gusto niyang nasa tabi niya lang ito palagi.
Sinalubong sila ng iba pang kaibigan ni Corvette. All of them looks so dashing and hot in their casual attires. Kahit ang supladong si Wesley at ang tahimik na si Griffin ay angat ang kakisigan sa gabing iyon. Girls in the corner where staring at them like a predator ready to attack their prey. Hindi niya masisisi kung may bigla nalang sumunggab sa mga ito. Lahat kasi ay gwapo. Ang mga kalalakihang naroon naman ay hindi maitatanggi ang paghanga sa kaniya. Kung hindi niya nga lang kasama ang grupo nina Boris malamang ay naglapitan na ang mga ito sa kaniya.
"You look Gorgeous!" puri sa kaniya ni Mason. Kaibigan rin ito ni Corvette. Chinito nito at ayon na rin kay Corvette ay Half korean ang lalaki. Friendly ang datingan ng mukha ni Mason. Lagi itong nakangiti at mabilis kagagaanan ng loob ng kahit sinong makakausap nito. He's a chef and owns his own five star restaurants according to Corvette.
"Thank you! Ikaw rin, ang gwapo mo!" nakangiti niyang sabi. Tumawa lang ito. Kasama niya sa table ang anim na kaibigan ni Corvette kaya naman nasa kaniya rin ang masasamang tingin ng mga kababaihan sa party na iyon. 'Well, hindi ko na kasalanan yon!'
"Here, ito lang ang pwede mong inumin. Buntis ka daw sabi ni Wesley so bawal ang alak!" singit naman ni Laurent. Inabot nito sa kaniya ang isang tall glass of fresh orange juice, tinanggap naman niya ito. Laurent is a Lawyer. May pagka strikto ang mukha nito pero nakadadagdag pa iyon sa kagwapuhan nito. Tahimik lang rin ito pero nakakausap naman kahit paano. Si Wesley kasi ay suplado at napaka tipid magsalita kaya kung siya ang tatanungin ay mas mainam pang kausapin si Laurent.
The party started. Nagsimula ng magsayawan sa maharot na tugtugin ang mga bisita. Drinks and flirts were everywhere pero ni anino ni Corvette ay hindi niya pa nakikita. She's starting to get bored. Ang mga kasama pa niyang naiwan sa table ay sina Griffin at Wesley. Mapapanisan siya ng laway sa dalawang ito. Nakiparty na rin kasi sina Mason at Laurent.
She started to roam her eyes at the place, hinahanap ng kaniyang mata ang hudas na si Boris. 'Akala ko ba may plano kami, bakit iniwan ako ng ugok na iyon!'
"Hahanapin ko lang si Boris! she said ng mapagod sa kakalinga.
Tumango lang si Wesley samantalang nanatiling tahimik si Griffin. Hindi na siya nag expect ng mga salita mula sa mga ito. Ang isa ay suplado at ang isa ay misteryoso. Para lang siyang hangin sa mga ito.
Kinuha na niya ang kaniyang purse at nagsimulang maghanap. Pero imbis na si Boris ang makita niya ay si Corvette ang natagpuan ng mga mata niya.
Kasama na naman nito ang babaeng higad. Bigla ang pag iinit ng kaniyang ulo. Gusto na niyang sugurin ang mga ito pero may pumipigil sa kaniya. 'Ano nga bang karapatan ko? Bukod sa ako ng ina ng anak ni Corvette, wala na akong nakikitang mas malalim na ugnayan namin para makaramdam ako ng ganito. Calm yourself Aicka, maybe its just your hormones playing with you again.'
Nagtagpo ang mga mata nila ni Corvette. He was stuned. Mesmerize by her beauty. Nakatitig lang sa kaniya ang berde nitong mga mata na naghahatid ng kakaibang init sa kaniya sa tuwing tititigan siya nito.
Gustong gusto na niya itong lapitan at halikan..Oo yun ang gusto niyang gawin ng mga sandaling yon. He looks so handsome and irresistably hot in his navy blue polo na nakatupi hanggang sa siko. His pants is a tight one, emphasizing his muscled thighs.
Umabot na rin sa batok ang haba ng buhok nito. His messy style hair made him look like a mexican actor, added his stubbles. Kahit sinong babae sa lugar na iyon ay magkakaroon ng pagnanasa dito.
She really wanted to be near him. Gusto niyang magpakulong sa matipunong mga bisig nito.. pero sagabal ang babaeng higad na yon sa gusto niya. Ang kaninang pagkahalina niya kay Corvette ay napalitan ng inis. 'Bakit ang babaeng yon ang kasama niya at hindi ako.. akala ko ba ako ang gusto niya. Tsk!'
Lalapitan na sana niya ang mga ito dahil nag ngingitngit na ang dibdib niya sa galit ng may biglang humapit sa bewang niya at niyakap siya ng mahigpit. Magpupumiglas na sana siya ng magsalita ang lalaki.
"Let me, and see what Corvette will do!" Si Boris pala ang lalaki.
"Anong gagawin ko?" pabulong niyang sabi.
Lumayo ito sa kaniya pero nanatiling nakahapit ang kamay nito sa kaniyang beywang. Ngumisi si Boris at hinawakan ang kaniyang pisngi. Nanlaki ang mata ni Aicka dahil unti unting bumababa ang mukha ni Boris papalapit sa kaniya. 'Oh my goodness, ito ba ang plano niya? Ang halikan ako?? He must be crazy!!''
Hindi pa tuluyang nakakalapit ang mukha ni Boris ng bigla itong makabitaw sa kaniya. Napakabilis ng pangyayari. Nakita nalang niya si Boris sa sahig at nasa ibabaw nito si Corvette na pinauulanan ng suntok ang kaibigan.
Nagkagulo ang mga tao at noon lang siya natauhan. Inawat niya ang galit na galit na si Corvette.
"Enough Corvette, Stop you might kill him!!" sigaw niya habang pinipigilan ito.
Napigilan naman ito dahil umawat na sila Mason, Alec at Laurent.
"What the f**k Man, anong problema mo!" sigaw ni Alec na ngayon ay naka alalay na kay Boris. Naawa naman siya sa itsura nito dahil putok ang kilay at dumudugo ang ilong. Ganoon kalakas ang mga pinakawalang suntok ni Corvette.
"Damn you Boris.. lumayo ka kay Aicka kung ayaw mong masira tayo!" galit na sigaw ni Corvette pagkatapos ay hinila siya nito palabas ng Party.
Nagpatangay lang si Aicka dahil hindi niya magawang makapalag kay Corvette. Ngayon niya lang nakita na ganito ito kaya naroon ang takot sa dibdib niya.
Dinala siya nito sa suite nito sa hotel. Padabog nitong sinara ang pinto at marahas na tumingin sa kaniya.
"What do you think your doing?? Really huh kay Boris pa talaga. Kaibigan ko siya Aicka!!" he shouted. Napaatras siya dahil sa lakas ng sigaw nito pero hindi siya nagpatinag.
"Wala naman akong ginawa, he's the one who tried to kiss me!" sagot niya
"Yeah and if he did kiss you i swear i'm gonna kill him!"
Natigagal siya. "You will do that??" she asked.
"Hell yes i will.. not only to Boris but to any other man who will try to steal you from me!!"
"Bakit mo naman gagawin yon, nagseselos ka ba?!"
"Damn it Aicka Yes.. Oo nagseselos ako dahil akin ka lang and those bastards should know it!!
Natigilan siya. Lumapit si Corvette sa kaniya at hinapit ang beywang niya. Sa matiim na mga titig ay nagsalita ito. "Lahat gagawin ko wag ka lang makuha ng iba, so don't go near to any man kahit kaibigan ko pa do you understand!!" mariin na saad nito.
Imbes na matakot ay nakaramdam pa ng kilig si Aicka. She smiled at him. He's possessiveness sends a tingling sensation down to her spine and wake something inside her heart. The urge to kiss Corvette intensified kaya naman hindi na pinigilan ni Aicka ang sarili.
Ipinalibot ni Aicka ang kaniyang braso sa batok ni Corvette at tumingkayad. Doon niya ito binigyan ng matamis na halik sa labi.
Naramdaman niya ang pagkagulat ni Corvette pero saglit lang iyon dahil gumanti na rin ito sa mas mapusok na halik.
Their bodies landed on the bed. Seconds passed clothes were being removed. Moans of pleasure filled the four corners of the room. And that Night Aicka gave herself to Corvette again, this time there is a feeling involved.
_______________________