C H A P T E R 2 0 ━━━━༺❀༻━━━━ Nakapalumbaba ako sa lamesa habang hinihintay si Lily na galing sa restroom. Nakita ko siyang lumabas, nakasimangot siyang dumiretsyo kung nasaan ako saka siya naupo sa aking harapan. "May alcohol ka?" tanong niya tapos ay tinititigan ang kamay niyang parang may sinisipat siya doon. Takang napataas ang kilay ko sa ginagawa niya. "Bakit?" tamad kong kinuha ang maliit na bag ko at inabot sa kaniya. "Tingnan mo dyan kung dala ko." "May lalaki kasi ro'n e nakipagkilala sa akin, duh? Kakalabas niya lang ng restroom. Malay ko ba kung saan niya 'yon hinawak?" maarteng niya kaya natawa ako. "Hahaha, saan ba hahawak 'yon?" Napasimangot siya, "Oh goodness, Lauren stop it! Napilitan lang akong abutin ang kamay niya dahil maayos naman ang pakikipagkilala niya." P

