C H A P T E R 16 ━━━━༺❀༻━━━━ Pagpasok namin sa café ay mabilis akong pinaghila ni Zayn ng upuan bago siya umupo sa harapan ko. Sinusundan lamang siya ng tingin, nagtaas siya ng kamay upang tawagin ang waiter. Inilapag nito ang menu sa harapan namin. Hindi ako kumilos at pinanuod ko lang si Zayn, hindi rin niya binuksan ang menu pero nagsalita siya animong alam na alam kung anong o-order niya. "One caffé mocha and caramel Macchiato. Two pancakes with chocolate and two slice of yema cake." Tapos ay bumaling siya sa akin. "Pasta, love?" bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa pagtawag niya sa akin ng love. Umiling ako. "Okay." Bumaling siya sa waiter na naabutan niyang nakatingin sa akin. "Wala na, iyon lang," matigas na usal niya. "O-Okay Sir, how about you Ma'am? May gusto pa po ba ka

