C H A P T E R 12 ━━━━༺❀༻━━━━ Nang makapasok kami ni Zayn sa van na itim na nakaparada sa labas ng condominium ko ay kaagad dumapo ang aking mata kay Mat na nasa harap katabi ng driver. Inabutan ako nito ng maliit na towel dahil umuulan sa labas kanina. Tipid akong ngumiti sa kanya pero kaagad din nawala ang aking ngiti sa labi ng pabagsak na naupo si Zayn sa tabi ko at nagsalita. "Butler Mat, find a man that named Charles Hernandez," maawtoridad na utos nito kay Mat. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Parang wala ako nang sabihin niya iyon, para bang balewala kung marinig ko man iyon. Sumandal siya sa upuan at pumikit. "B-Bakit mo pinapahanap si Charles?" hindi ko maiwasan magtanong. I could feel sweat beading on my forehead as I looked at Zayn. Hindi ko alam kung nagbi

