CHAPTER 2

1655 Words
C H A P T E R 2 ━━━━༺❀༻━━━━ "Do you always stutter your sentences, Love?" Nahigit ko ang aking hininga sabay ng aking paghigpit sa hawak sa gilid ng suot kong black dress, kahit lakihan ko pa ang aking mata ay puro itim lang ang tangi kong nakikita. "Huwag kang lalapit sabi!" inis na singhal ko sa kung sino man nang narinig ko ang yabag nito na papalapit lalo sa akin. Kung ano-ano ng senaryo ang pumasok sa aking isip. Hindi ko alam kung saan ako babaling hanggang sa may maramdaman akong init mula sa aking harapan. Oh God! Nasa harapan ko na siya! "S-Sisigaw ako! Lumayo ka!" pananakot ko kahit pa nga pakiramdam ko ay sumisigaw na talaga ako. Mas nilakihan ko ang aking mata upang makita kung sino ang nasa aking harapan pero bigo ako. I heard him chuckled, it was just weak low chuckled but I could feel his breath on my face, he was only a step away from me. Nanginig ang aking kamay sa takot sa mga maaaring mangyari. "I really want to hear your scream. Scream my name, love." Sunod-sunod ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman na inalis niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin. "A-Ano bang pinagsasabi mo?!" bulong ko, unti-unti nang nawawal ang tapang ko. Natatakot na sa maling galaw ko lang ay tumama ang mukha ko sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang lapit namin. Niliitan ko ang aking mata para maaninang siya, pakiramdam ko'y higit na mas matangkad siya sa akin. Nanginginig ang aking kamay lalo na nang naramdaman kong yumuko siya para magpantay ang aming mukha. Humigit ako ng hininga, kasabay ng pagtaas ng aking balahibo sa batok. "Scared love?" He asked me again using his deep voice. His voice is familiar, like I already heard it before. Hindi ako sumagot bahagya kong binuksan ang aking labi para doon huminga dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga sa misteryosong lalake na ito sa aking harapan. I closed my eyes when I feel his palm on my face. My lips trembled because of that; I can feel his warm thumb on my cheek. He slightly caressed my wet cheek with his thumb. Sandaling nawala ang kaniyang kamay sa mukha ko pero kaagad din bumalik, hindi na ang kaniyang daliri ang lumapat sa pisngi ko kundi isang malambot na tela. Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako makagalaw dahil nakakulong ako sa pagitan ng pader at katawan niya. Maingat niyang pinunasan ang mukha ko gamit ang malambot na tela, hindi siya nagsalita pakiramdam ko ay nakikita niya ako samantalang ako ay wala man lang maaninag. "Take a nice deep breath," wika niya nang mapansin na pigil ko ang aking hininga. Napabuga ako ng hangin habang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, pakiramdam ko ay naririnig niya iyon. Ano na lang ang gagawin ko kung may gawin siyang masama sa akin? Bakit walang pumapasok sa banyo? Kanina pa ako sumisigaw pero parang wala naman nakakarinig. "S-Sino ka?" Kahit kabado ay pinilit kong magtanong. Hindi siya sumagot bagkus ay naramdaman kong bumaba ang kaniyang mukha upang pumantay sa akin. Halos manginig ang aking tuhod nang dumampi ang tungki ng kaniyang ilong sa aking ilong. Kaagad kong iniharang ang aking palad sa kaniyang dibdib para hindi siya gano'n makalapit sa akin at para maitulak ko siya pero maling desisyon iyon dahil para akong nakuryente nang maramdaman ang matigas niyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa aking mukha. Iniling-iling niya ang ulo niya dahilan para kumaskas ang matangos niyang ilong sa aking ilong. I want to push him way from me, my mind is shouting to push him but my hands didn't move. "Even if I want you to see me now, I can't," bulong niya tapos ay lumayo na sa akin. Naramdaman kong humakbang siya palayo kaya nagkaroon ng distansya ang aming pagitan pero kahit gano'n ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang aking paghinga. Galit at takot ang aking naramdam, galit dahil bakit wala akong ginawa upang itulak siya at takot dahil baka kung anong gawin niya. Lalaki siya, higit na mas malakas kumpara sa akin. "Don't open your eyes. Count one to ten, Love." Wala sa sariling napatango na lang ako. I don't follow other people's order except my father, but this is I became submissive. "One..." mahinang usal ko habang nakapikit na. Ang tanging gusto ko lang ay matapos na ito, iniisip ko pang baka lasing lang ako. Baka nasobrahan ako sa alak at kung ano-ano ang naiisip ko. "Two..." Narinig kong humakbang siya paatras hanggang ang mga yabag niya ay hindi ko na narinig. Nagbilang pa ako, ang sunod kong narinig ay ang pagbukas at sara ng pinto ng banyo. Kasunod ng pagdilat ko ay ang pagbukas ng ilaw, habol ko ang aking hininga habang inilibot ang paningin sa loob ng banyo. Mag-isa na lang ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong makatulala roon, nakatitig sa sarili sa salamin. Pakiramdam ko ay nasa pisngi ko pa rin ang kaniyang kamay. Tulala akong lumabas at nakamasid sa paligid pero parang wala ni isa man ang nakapansin sa nangyari kanina sa loob. Alam kong totoo iyon, I'm not that drunk to hallucinate. "Saan ka galing?" tanong ni Lily ng matanaw niya ako. Hinawakan niya ang aking braso, blanko ang mukha na tumingin ako sa kaniya. "I'm not crazy," bulong ko. She rolled her eyes. "Gaga, wala naman nagsasabing baliw ka. Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap, hindi mo nakita 'yong eksena kanin nako!" aniya. Hindi ko sinabi kay Lily ang nangyari hanggang maka-uwi ako sa condo. Iniisip kong sabihin sa may-ari ng lugar ang nangyari pero para saan pa, walang nangyaring masama sa akin at baka hindi rin naman pansinin kung ireklamo ko. Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng aking bahay. Ngayon na mag-isa na lang ako, mas lalo kong naramdaman ang lungkot. Kahit gustuhin ko man na makasama si Daddy ay alam kong hindi pwede. Tita Emelda will be upset if she sees me in their house. We can't live under the same roof; I can't be with my Father together with his wife and daughter. My dad gave me this condo as a gift for my twenty third birthday, last year. Pero alam kong kaya niya iyon ginawa para lang hindi na ako tumira sa bahay nila, para lang malayo ako roon dahil alam ko naman na lagi silang nag-aaway ng asawa niya noong doon ako tumutira. I know how difficult it is. Ang makita ang bunga ng pagkakamali ng asawa mo sa iisang bubong kaya naiintindihan ko kung ayaw nila ako roon. Dahil ako ay bunga ng pagkakasala ni Daddy sa kaniya. Kung mag-uusap kami ni Daddy ay laging sa labas, ang anak naman niya kay Tita Emelda na si Talia ay ayos naman ang trato sa akin. Mas matanda siya ng isang taon sa 'kin, nang maipanganak siya ay doon naman daw nagloko si Daddy at ako ang naging bunga. Hindi kami close ni Talia pero hindi rin naman siya nagma-maldita sa akin kaya ayos lang. Kumbaga, nag-uusap kami kung kailangan at hindi kung wala naman dapat pag-usapan. Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay biglang tumunog ang aking phone. Mariin akong napapikit nang makita ko ang pangalan ni Charles sa screen. Humugot ako nang malakas na hininga bago sagutin ang tawag. "Hey, sweety. Did I wake you up? Nakauwi ka na ba?" bungad niya sa kabilang linya, lalong sumikip ang aking dibdib sa malambing na boses niya. Tumikhim ako. "N-No hindi pa ako tulog Charles actually kaka-uwi ko lang." Alam niyang galing ako sa bar kasama nila Lily. Narinig kong bahagyang may kumaluskos sa kabilang linya, pakiramdam ko ay nakahiga na rin siya katulad ko. "Okay, magpahinga ka na. Anong oras flight mo bukas? I can't wait to see you Lauren," malambing na aniya. Napalunok ako bago tuluyan umupo sa aking kama. I don't want to see you, Charles dahil sa oras na magkita tayo bukas ay tapos na rin ang relasyon natin. I need to let you go. I am sorry. Kinagat ko ang ibabang labi habang parang may bumabara sa lalamunan ko habang sinasabi ang bagay na iyon sa aking isip. Hindi ko kaya. "Sweety? Are you still there?" tawag niya sa 'kin. "Yes, I'm here Charles. Magkita na lang tayo bukas, medyo pagod lang siguro ako," sagot ko. "Oh is that so? Okay. Good night, I love you Lau." Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. "I-I love you too Charles." Tapos ay pinatay ko na ang kaniyang tawag. "And I'm sorry, I think I can't fight for you." Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking mata. Umayos ako ng higa sa kama at niyakap ang regalong unan ni Charles, kahit ayokong umiyak ay sunod-sunod na tumulo ang aking luha. It's hard to let go of someone you love for someone you want to love you back. Dahil sa kagustuhan kong magustuhan at matutunan akong mahalin ni Daddy ay kaya kong iwan ang nagmamahal sa akin and that's suck me big time. It's a hard decision and I know, I will hurt someone. Isa lang ang alam kong paraan para kahit papaano ay gumaan ang loob sa 'kin ng ama ko at ng pamilya niya, pumayag ako sa kasunduan na ipakasal ako sa hindi ko kilala pero ang tanging paraan para hindi iyon matuloy ay mismong lalake ang umayaw. I will make him turn off to me and if that thing happen. I think hindi ako masusumbatan ng ama ko na hindi ako sumunod sa kaniya dahil sinunod ko siya. I will let him see my efforts, siguro magagalit siya pero atleast naipakita kong ginawa ko naman ang gusto niya. That's my last card. I will make my future fiancé hate me that he will cancel our wedding. -----•••------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD