“Meeting with your future hubby?” naka ngising tanong ni Lilith sa akin. Na datnan ko silang dalawa ni Eloise na nag aalmusal. Tumango naman ako sakanya. “Hindi kana lugi, pogi naman siya, mukha nga lang seryoso sa buhay,” sagot ni Eloise sa akin. “Mas seryoso ‘yung kuya tignan eh, single kaya siya?” naka ngising tanong ni Lilith sa akin. Na tawa naman ako sa naging tanong niya. “Reto kita?” naka ngising tanong ko sakanya. Agad naman akong hinampas ni Lilith sa sinabi ko. “Ano ka ba? nakaka hiya naman,” sagot niya sa akin kaya na tawa ako sakanya. “Wala ka rin namang hiya, pwede na ‘yan” naka ngising sagot ni Eloise sakanya. Inirapan naman kami ni Lilith kaya umiling nalang ako. Ilang sandal pa ay may nag door bell kaya naman agad binuksan ng maid na nasa may pintuan, nakita ko

