Sera Solomon Alfreds- Willford
My life; love story is like a fairy tale, may saya at lumbay may humahadlang sa pag mamahalan, but unlike fairy tale i don't had a happy ending yet i still manage to fight and pursue my life. I used my weakness to be my strength, my tears to wake up every other day and my story as a weapon.
I had done enough for the past 100 years of my life at ngayon nandito ako sa islang walong put isang taon kong iningatan sa aking isipan at puso. Ang lugar na bu muo sa buhay ko.
His place.... Jacs place..
"lola ito na po yung mga gamit nyo, okay lang po ba kayo?" ngumiti ako sa nag iisang apo kong babae, Alice my only son's daughter.
"oo naman apo, halika pasok ka at tulungan mo ko mag ayos."
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga litratong bumuo sa buhay ko, ang mga pangakong tinupad ko.
Napalingon kami sa pinto ng bumukas ito, agad kong na silazan ang binatang nagpapunta sa akin dito. Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong determinado syang malaman at alamin lahat.
"ahm, hello po Mrs. Willford naparito lang ako para kamustahin kayo."
"ayos lang naman iho, heto at nag aayos ng mga gamit." napatango sya at bumaling sa mga larawan na nakapatong sa mini table ng kwarto.
"pasensya kana mahilig lang talaga akong magdala ng mga larawan tuwing umaalis ako."
"wala pong problema Mrs. Willford.. Pwede ko po ba kayong maimbitahang lumabas?" napangiti ako at walang pag aalinlangan na tumango.
"maaari ko din bang makita ang painting ko?"
"no problem Mrs. Willford" lumingon ako sa apo ko at mukhang naintindihan naman nya ang tingin ko kaya lumapit sya at tinulak ang whellchair ko palabas ng kwarto.
Hindi ko parin mapigilang mamangha sa ganda ng isla ng makalabas kami. Bumabalik sa isip ko ang lahat ng detalye ng lugar na ito kasama ang mga alaala.
Pumasok kami sa may kalakihang tent, presko ang hangin at dina gaanong mainit sa balat ang araw na tumatama sa tent dahil palubog na ang araw, mas na kadagdag pa ito sa ganda ng tanawin
Sumalubong sa amin ang mga gamit nila sa paghahanap at pagprepreserba ng mga natatagpuan na gamit. Agad kong nakita ang painting ko, ang nag iisang bagay na likha nya.
My Jac...
"ikaw ba'yan lola?" nais ko man hawakan pero bawal, isa yun sa bilin nya. Ang mga likhang ganito ay di dapat hawakan dahil may taglay itong bagay na maaaring masira, kahit na di ko sya maintindihan noon ginawa ko na lang din.
"oo apo, ang ganda ko nung dalaga ano? Hay kay sarap balikan ng nakaraan." isang babaeng nasa dagat, walang kasuotan, ang kalahati ng katawan ay nasa ilalim ng dagat habang nakalagay ang kanang kamay sa likod ng ulo, sa may batok at ang kaliwang kamay ay nasa bandang ibaba ng tyan suot ang isang singsing.
'Sky Diamond'
"ito pa po ang iba naming natagpuang gamit, maaring sa inyo ang iba dito."
"Ainder paki dalhin kami ng makakain."
"sige."
Samot saring alaala muli ang pumasok sa aking isipan.
"ito ang suklay galing pa sa aking ama ang natitirang ala ala nya sa akin, ang mga palamuti ko sa buhok na mula sa pamilyang aking kinagisnan." Napuno ng sa saya at galak ang puso ko, hinawakan ko ito at parang noong simula lang na ginamit ko ito.
"akin ang mga gamit na ito, parang nagbalik ako sa nakaraan.. Noong unang bukas pa lamang ng isla." napalingon ako kay martin at halo halo ang mga emosyon sa kanyang mga mata.
"Mrs. Willford-- Mama Sera na lang." tumango siya.
"M-mama Sera, simula ng malaman ko ang lugar na ito, naging interesado na ako sa nakaraan nito, humanap ako ng maaring sagot sa mga tanong ko pero ni isa ay wala akong nakuhang sagot. Ngayon na nandito na kayo, maaari ko bang malaman ang nakaraan ng islang ito?"
Isa syang banyaga pero napaka tuwid ng tagalog nya, nakikita ko ang sarili ko sa kanya, nung panahong pinag aaralan ko pa lang ng husay ang wikang pinanggalingan ko..
"Tiwala ang sekreto sa lahat ng bagay.. Tanda ko pa mula sa umpisa"
***
Vote, comment and share. thankyouuu!