Nasasaktan at nahihirapan si Rafa na nakita na pinipilit nang asawa niya na maalala ang lahat. Mahal na mahal niya ito at kaya naman niyang maghintay. Pero sadyang malakas talaga ang damdamin ng isang ina dahil kahit na hindi niya naalala si Rylie ay ramdam niya ito. “Ano ang sabi ng doktor? Puwede na ba tayong umuwi?” Tanong ni Nathalie sa kanya. “Next week ay puwede na tayong umuwi. Clear naman ang lahat ng lab test mo.” Sagot naman niya sa asawa niya. “Bakit ang tagal?” Naiinip na tanong nito. “Hon, ilang araw na lang naman. Kailangan mo kasi maging malakas para kapag nakita mo si Rylie ay may energy ka na habulin siya. Sobrang kulit na niya at mabilis ng tumakbo.” saad niya sa asawa niya. “Mas lalo tuloy akong naiinip sa mga sinabi mo. Mas gusto ko ng umuwi at yakapin siya. Rafa,

