Maagang nagising si Rafa dahil may emergency meeting siya sa company. Napangiti siya dahil ang himbing ng tulog ng kanyang asawa. Hinalikan niya muna ito bago siya umalis. Maganda ang mood niya o mas magandang sabihin na palagi naman maganda ang mood niya. Simula ng makasama na niya ang asawa niya ay walang araw na hindi siya kumakalma. Pagdating niya sa company ay kaagad siyang nagtrabaho. At hindi niya namalayan ang oras. Naalala niyang tawagan ang asawa niya kaya mabilis niyang kinuha ang phone niya. Halos ibato ni Rafa ang phone niya dahil sa hindi niya makontak ang kanyang asawa. Kaya mabilis niyang tinawagan ang mommy nito. "Hello, mom. Pumasok po ba si Nath sa trabaho?" Pambungad na tanong niya. "Kanina pa siya pumasok. Bakit iho?" Tanong ng biyenan niya. "Hindi ko kasi siya mak

