AFTER 2 YEARS Pagkalipas ng dalawang taon ay bumalik si Nathalie sa Maynila. Muli siyang nag-apply sa Blake company dahil alam niya na kahit anong mangyari ay tatanggapin siya doon. Kailangan niya ng trabaho at wala na siyang pakialam kung sakali mang magkita pa sila ni Rafa. Siguro nga ay masaya na ito kasama ang pekeng Nathalie. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa kanyang sarili. Nagpapasalamat rin siya dahil naroon pa ang mga kaibigan niya. At kagaya ng dati ay namiss nila ang isa't-isa. Araw-araw siyang pagod galing sa trabaho dahil sa malayo rin ito sa bahay na nirerentahan niya. Pero kinakaya niya dahil alam niya na kailangan niya itong gawin. "Mama!" Sigaw ng isang bata habang papasok si Nathalie sa loob ng kanilang bahay. "Namiss mo ba si mama? Behave ka ba habang wala ako

