RAIDEN: MULI kong tinutukan ang pagma-manage ng farm. Sina Dale at Clara naman ay pinalipat ko na muna sa bayan para sila ang personal na mag-manage ng naiwang resort doon. Para din maiiwas sila kung sakali nga na tama ang kutob naming tatlo na ang mga Tita namin ang may pakana ng aksidente nila Mama at Papa. Araw-araw ko ring binibisita ang himlayan nila Mama at Papa. Kung saan nakahimlay ang Lolo at Lola ko na mga magulang ni Mama dito sa farm. Mas naiibsan kasi ang pangungulila ko sa kanila kapag nandidito ako sa himlayan nila at kausap ang kanilang litrato na nakalagay sa malaking frame. Pinagawan din namin ng silong ang kanilang himlayan para hindi makapasok dito ang kung sino-sino. Tumulo ang luha kong hinaplos ang mukha ni Mama na nakangiti sa picture. "Mama, mis na mis ko na po

