Jacquline Villanueva Nakatulala akong pumasok sa condominium ni Blake habang ‘di pa rin mawari sa isip ko ang nalaman ko. Paano ko na hahanapin ngayon si Lisa? Paano na kung nasa ibang bansa na siya? Magkikita pa ba kami? Makakasama ko pa ba siya? Kahit sarili ko hindi ko ala mang sagot. Hindi ko alam… ‘Wala akong magawa kundi hilingin nalang na sana nasa puder siya ng mabuting tao, na sana nahanap ng kapatid ko ‘yung taong aalagaan at mamahalin siya ng buo. Huminga ako ng malalim. Nang makapasok ako sa condo ay dahan-dahan akong pumunta sa kwarto para sana silipin si Blake nang bigla siyang sumulpot sa harap ko. “Where have you been?” Seryosong tanong niya. Halos mapatalon ako dahil sa gulat. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. Siguro kung totoong nakakamatay ang mga tingin n

