Tiffany Suarez It’s been a year since I left the Philippines. Isang taon na rin ang nakalipas nang makipaghiwalay ako kay Blake. Sobrang hirap para sa’kin ng ginawa ko. Sinakripisyo ko ang pagmamahal ko sa kaniya para hindi ko siya masaktan ng husto kung sakali mang mawala ako. Takot na takot ako no’ng mga araw na ‘yon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong sabihin sa kaniya ang dahilan dahil ayaw ko na mas lalo siyang masaktan. So I made my plan. Pinalabas ko na I cheated on him with his brother, Spade. We faked our relationship. Spade know my reason and I asked him to help me. Iyon nalang ang naiisip kong paraan para kamuhian niya ako—para itaboy niya ako. Mas okay na ‘yon kaysa sa sakit na pwede kong maidulot sa kaniya sa hinaharap. Nguni’t no’ng nasa state na ako, nakahanap ako ng ba

