Jacquiline Villanueva Kasalukuyan akong nakapila sa counter at tumitingin ng pagkain na pwedeng makain. Dahil sa gutom na gutom inorder ko lahat ng gusto kong kainin. Kinuha ko ang pambayad sa wallet ko nang biglang may sumulpot na kabute este tao sa tabi ko. “Here's her payment. Pakidagdagan ng isang regular burger and drink for me. Thank you.” Wika ni Spade sabay inabot ang isang libo sa crew. Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako? “Anong ginagawa mo Spade?” “Paying your orders.” Binigyan ko siya ng isang hindi maipaliwanag na tingin. “Ako na ang magbabayad. Kuya, pakibalik yung binayad niya.” Hindi pinansin ng crew ang sinabi ko dahil sumenyas si Spade na wag na. Wala akong nagawa at ibinalik ko na lang ang pambayad ko sa wallet ko. “Sinusundan

