Jacquiline Villanueva Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa paningin ko ang isang lalaki na mistulang anghel na nakangiti na parang demoniyo sa harap ko. Direkta siyang nakatingin sa’kin na para bang ikinukulong niya ako sa mapupungay niyang mga mata at tinutunaw sa mga titig niyang malalalim. “Good Evening Miss. Do you sleep well?” Casual na tanong niya. Dahil sa halik at mga tiitig niyang 'yon ay hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko parang may mga kabayong nag-uunahang makalabas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dulot ba ‘to ng kaba. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kaniya. “B-bakit mo ko h-hinalikan!?” tanong ngunit hindi niya ito pinansin. Nawala ang mga ngisi sa labi niya. Tum

