CHAPTER 5

1151 Words
KINAWAYAN ni Felix ang mag-ina niya bago siya pumasok sa loob ng kotse. Babalik na naman siya sa kaniyang trabaho. Pero bakit siya nakaramdam ng kakaiba? Parang ayaw niyang umalis. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.   Tumingin siya sa mag-ina niya na kumakaway sa kaniya.   Bumuga ng hangin si Felix at bumaba ng sasakyan. Lumapit siya kay Anniza at Aaron. Niyakap niya ang dalawa ng mahigpit.   "Mahal na mahal ko kayong dalawa."   "I love you too, Daddy." Sagot ni Aaron.   "Ano bang nangyayari sa 'yo?" Sabi ni Anniza. "Hindi ka naman ganiyan dati, ah."   Ngumiti lang si Felix at hinalikan ang mga ito sa nuo.   Bumalik na si Felix sa kotse at pinaandar na ang makina. Pinausad niya ang kotse palabas ng compound at ng makalabas siya ng compound pinaharurot na niya ito.   Felix felt uneasy. Hindi niya alam pero pakiramdam niya at may masamang mangyayari.   Habang si Anniza, pumasok sa loob ng kanilang bahay at tinawag ang isa nilang kasambahay.   "Susan, pakisara 'yong gate please." Pakiusap niya rito.   "Yes, Ma'am." Kaagad naman nitong tugon at lumabas ng bahay.   Nagtungo sa gate si Susan at isinara ang gate pero may lumapit na lalaki.   "Miss, pwedeng magtanong?" Anito.   "Ano po 'yon?" Tanong ni Susan.   "Dito ba nakatira si Lt. Colonel Felix Evans?" Tanong ng lalaki habang ang mga mata nito at nakatingin sa bahay.   "Dito nga po." Sagot ni Susan. "Bakit po ba?"   "Nandiyan ba siya sa loob?"   "Wala po, eh."   "Ganun ba. Kailan ba siya babalik?'   "Hindi ko po alam, eh." Pag-iling ni Susan. "Bakit po ba?"   "Wala, Miss. Kaibigan ko kasi siya pero wala naman pala siya. Sige. Babalik na lang ako kapag bumalik siya." Sabi nito at umalis na.   Napakamot na lang ng ulo si Susan at bumalik sa loob ng bahay.     PAGDATING naman ni Felix sa Headquarters nila. Problema kaagad ang sumalubong sa kaniya.   "Nakatakas si William Jones." Saad ng General.   "Paanong nangyari 'yon, General?" Tanong ni Felix.   "May nagtakas sa kaniya. Dalawa ang patay sa mga pulis at lima ang sugatan. Kritikal pa ang lagay ng isa." Napabuntong-hininga si General Chavez.   Nanlumo naman si Felix at umupo.   "Nag-utos na ako ng mga maghahanap sa kaniya."   "William Jones is a mafia. Marami silang koneksiyon sa buong mundo. Sigurado akong iyon ang gumawa ng paraan para itakas ang kasama nila. Lt. Colonel Evans, ikaw ang inaatasan ko sa misyon na 'to. Kailangang ibalik natin sa kulungan si William Jones dahil sigurado akong hindi pa siya nakakalabas ng bansa. Kapag nahuli natin siya, ipapa-deport siya ng gobyerno sa America. Amerikano siya kaya doon siya dapat sa bansa nila." Sabi ni General Chavez.   "Yes, General."   "Pero dahil isang American Mafia si Jones, humingi ng tulong ang gobyerno sa FBI para patas ang maging laban. Makikipagtulungan tayo sa kanila. At ang ipapadala ng FBI ang siyang makakasama mo sa misyon na 'to." General Chavez said. "Darating siya bukas dito sa bansa natin at kailangang sunduin mo siya sa airport."   "Yes, General." Sagot ni Felix.   "Pero bakit tayo ang inatasan ng gobyerno? Hindi ba dapat sa NBI na 'to, Sir?"   "Lt. Colonel Evans, dahil tayo ang nakahuli kay Jones kaya gusto nilang tayo na ang magpatuloy sa misyon na 'to. Makikipagtulungan naman sa atin ang iba pang ahensiya kaya huwag kang mag-alala."   Tumango si Felix at sumaludo. "Permission to leave, Sir."   "Carry on."   Lumabas ng opisina ni General Chavez si Felix at napabuga ng hangin.   Akala pa naman niya tapos na problema nila pero mas lalo lang na lumaki dahil sa William Jones na 'yon.     KINABUKASAN.   LIMANG MINUTO ng naghihintay si Felix sa labas ng airport pero wala pa ang FBI Agent na hinihintay niya. Hanggang sa mapatingin siya sa isang lalaki na lumabas ng airport. Naglalakad ito patungo sa direksiyon niya.   At ng makalapit nagsalita ito. "Davin Vargaz. FBI Agent." Ipinakita nito ang ID.   "Felix Evans." Ipinakita niya ang rin ang kaniyang ID.   Tumango ito.   "Welcome to the Philippines." Ani Felix.   "Salamat."   Natigilan si Felix ng marinig niya itong magtagalog at wala itong accent. "You can speak tagalog?"   "Yeah, a little." Sagot nito. "My mom was a Filipina and she taught me how to speak your language. So yeah. Nagulat ka?"   "Malamang." Sabi ni Felix at iminuwestra ang kotse. "After you."   "Thanks." Nagtungo ito sa tabi ng shotgun seat at binuksan nito ang pinto sa tabi nito. Basta na lang nitong hinagis sa back seat ang hawak nitong bag.   Pumasok naman si Felix sa driver seat at pinaandar ang makina ng kotse.   "So, first time?" Felix asked.   "This is my second time already. First is when I visited my mother's relatives here."   Nagkibit ng balikat si Felix. "Okay. I see." Pinaharurot na niya ang kotse patungo sa Headquarters.   Sumandal naman si Davin sa kinauupuan nito.   "Ikaw ba ang makakasama ko sa misyon?" Tanong ni Davin kay Felix.   "Yes." Sagot ni Felix.   "What are you?"   "Human." Sagot ni Felix.   Davin rolled his eyes. "I mean, what is your rank? You didn't mention it earlier."   "Lieutenant Colonel."   Davin shrugged. "Okay."   Wala ng umimik sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa Headquarters.   "We're here." Ani Felix at bumaba ng sasakyan.   Sumunod naman si Davin pero bago siya lumabas ng sasakyan, kinuha muna niya ang tablet sa bag niya.   Ngumisi si Davin at tumingin kay Felix. "Your security system is not that bad."   Napailing naman si Felix ng ma realized kung ang sinasabi nito.   "Don't let them know that you hacked the security system. They will detain you."   Parang wala lang naman na nagkibit ng balikat si Davin. "Don't worry, I just checked it. Ibinalik ko naman na ang kontrol sa kanila."   Felix sighed.   Ito pa yata ang isang magiging problema niya.   Pumasok silang dalawa sa Headquarters at nagtungo sa opisina ni General Chavez.   "Sir!"   Sabay na sumaludo si Felix at Gavin.   Sumaludo naman si General Chavez.   "Davin Vargaz." Ani General Chavez.   Tumango naman si Davin.   "Thank you for coming."   Umiling si Davin. "Don't thank me, Sir. William Jones is also a wanted in our country and the officials wants him behind bars."   "Unluckily, he escaped." Sabi ni Felix.   "Must be his comrades." Ani naman ni Davin.   "Maybe." Sabad ni General Chavez. "But..." Tumingin ito kay Davin. "You need to rest first, Mr. Vargaz."   "I'm fine, Sir. You do not need to worry."   "Okay." Tumingin si General Chavez kay Felix. "Bakit na lang hindi muna siya sa bahay mo tumuloy? Tutal he's your partner in this mission."   Nawala ang ngiti ni Felix at tumingin kay Davin. "He can rent hotel, General."   "So, are you saying that Filipinos is not really that hospitable?" Tumaas ang kilay ni Davin kay Felix.   "Bakit pa kasi ikaw ang naka-partner ko?"Iritang sabi ni Felix.   "We have the same opinion." Ani Davin.   Magsasalita pa sana si Felix pero sumabad si General Chavez. "Felix, tama na 'yan. Mr. Vargaz will stay at your place until your mission is done and that's an order."   "Yes, General." Felix answered, half-hearted.   Ngumisi naman si Davin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD