#MOE 20 - Heartless

1285 Words
#MyObsessedEx ______ Hindi ako makagalaw at mas lalong hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sagutin sa halip ay hindi ko bigyan ng interes ngunit nanghihina ako sa sinabi niya. Halos kumabog ang puso ko sa kaba at hindi ko alam kung anong klaseng emosyon iyon. "Karl.." "Hindi kita kayang bitawan Tam.." Doon lang ako binigyan ng pagkakataon na mapaiwas ng tingin. Hindi ko na kinaya at sumuko sa bawat pamamaraan ng pagkatitig niya sa akin. Puno ito ng pagmamahal at sakit. "T-Tammy, sinubukan ko na pero hindi ko kaya.. H-Hindi ko kakayanin" Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtulo ng luha niya. Hinawakan niya ang pisnge ko at hinarap sa kanya. "Hiwalayan mo si Gabb, Tammy. Sumama ka sa akin.." Doon ako napatitig sakanya. Halos magulat ako sa sunod niyang sinabi. Parang bigla ako natauhan at natulak siya. "Nababaliw ka na! Nababaliw ka na Karl!" Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin kanina. Anong akala niya sa akin? Tanga? "Bakit Tammy? Hindi ka ba natatakot na mabuntis kita? Diba ako naman ang una mo?" Napaiwas ako at napabuga. "A-Ano ngayon? Nirape mo ako!" Sigaw ko sakanya. Halos nangigilid na ang luha ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang kahayopan na ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko bumalik ang galit ko sakanya. "Hindi iyon rape Tam.. Dahil ginusto mo rin iyon!" Halos manikip ang dibdib ko. Nagbabadya na tumulo ang luha ko hanggang sa naramdaman kong napahagulgol ako. "M-Masaya na ako Karl! Hayaan mo nalang ako!" Lumapit siya sa akin pero umatras ako ngunit hinila niya ako niyakap ako. "Bibigyan kita ng pagkakataon Tammy.." Natigilan ako "Lalayo ako at hindi magpapakita. I will make my files out in that school" Humiwalay siya sa akin at hinarap ako. Bahagya niyang pinunasan ang luha ko. Pero napatiim siya. "Ngunit kapag nagtagpo ulit tayo ay tatandaan mo ito. Sa oras na iyon ay hindi na kita papakawalan. Wala akong pakialam kung may asawa ka na o kasintahan. Basta akin ka lang." Ngumiti muna siya pero kitang kita ko rito ang kirot at sakit na nagmumula sa kanyang mata. Tinalikuran niya ako at sumakay sa kanyang kotse. Naramdaman ko nalang na umandar ito papalayo sa akin. Hindi ako makagalaw at nanatili akong nakatayo doon. Naiwan lang ako dito na nakatulala. Hindi ako makahinga ng maayos at nakakaapekto iyon sa panghihina ko. "Tam!" Narinig ko ang boses ni Fara kaya napalingon ako. Nakita ko si Fara na nakasakay sa kotse at sinabing sumakay ako. Hindi na ako nag alin langan at sumakay. Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako doon. Baka mapaupo lang ako doon. "Tammy.." Nakatingin lang ako sa labas. Narinig ko ang boses ni Fara tila nalulungkot siya sa akin. Hindi ko na napansin kung sino nagmamaneho at bigla ako nawalan ng ulirat. "Tam!!" ______ Relyn's POV Bigla ako naabala ng may vibration akong naramdaman. Nasa kompanya ako ngayon kaya naiirita ako kapag may umiistorbo sa aking ginagawa. "What?!" Sigaw ko sa kabilang linya. Nakakainis kasi. ["Ma'am! Pasensya na po pero nagwawala po si Sir Karl sa kanyang kwarto!"] Bigla ako napatayo. "Ano?!" ["Opo Ma'am!"] Hindi na ako nag abala at pinatay ang phone ko. Mabilis ako nagligpit at lumabas. Napatayo ang secretary ko. "Ma'am saan po kayo pupunta? May meeting po kayo mamayang lun-" "Lahat ng okasyon o meeting ko ay ikansela mo!" Bigla natakot ang secretary ko dahil sa galit na sigaw ko. Napatingin mula rito ang mga empleyado ko pero wala akong pakialam. Mabilis ako napunta sa parking Lot at umuwi sa bahay. Halos paliparin ko ito dahil natataranta ako. Natatakot ako at baka mangyari ulit ang ginawa niya noong huling linggo. Sinubukan niya magpakamatay dahil sa hindi niya nakayanan ang sakit na dinadala niya at pati ngayon ay nagwawala nanaman siya. Naaawa ako sa kapatid ko at halos saktan ko na ang sarili ko. Kasalanan ko talaga! Kung hindi ko sana ginawa ang mga kalokohan ko dati ay baka ngayon ay mapayapa ang lahat. Mabilis ako nakarating sa bahay at sumalubong sa akin si Manang na natataranta. Hindi ko siya pinansin at mabilis na pumanik. Mabilis ko binuksan ang kwarto niya pero halos matigilan ako na makita ang ginagawa niya. "A-Anong.." Napatingin sa akin si Julius ngunit wala itong emosyon at blanko lamang. "Ano ginagawa mo dito?" Malamig na sabi niya. Napatingin ako sa kamay niya na tagos ang dugo mula sa benda. Sa kasalukuyan niya ito iniikutan ng tela. "A-Akala ko nagwala ka.." Mahinang usal ko. Tumayo siya at tumingin sa akin ng disgusto. "Wala ka nang pakialam" Mariin na sabi niya at binangga ako sa balikat. Muntik pa ako matumba kung hindi ako sinalo ni Manang. Napakurap ako at nasaktan. Napatakip ako sa mukha at napabuntong hininga. Napatingin ako sa loob ng kwarto niya at nakita ko ang kanyang salamin na basag na basag at may mga bahid pa ito ng dugo. "Ma'am ako na po ang bahala dito" Hindi ko pinansin si Manang at hinanap si Julius. Halos libutin ko ang mansyon namin ngunit doon ko pala matatagpuan si Julius sa garden na nakasandal sa puno at nakapikit. Nakayukom ang kanyang kamao na tila iniinda ang sakit na dinadala niya ngayon. Papalapit na ako sakanya at nakita ko pa mismo kung paano niya marahas na pinahid ang kanyang pisnge. Alam kong umiiyak siya at mas lalo ako nasasaktan. Siguro kung sabihin ko kung sino mas baliw sa amin ay alam ko sa sarili ko na ako ang baliw sa aming dalawa. Akala ko noon nung kasama ko si Tammy sa bahay ko ay Obsessed si Julius kay Tam at nagawa ko pang pigilan at magmukhang inosente ulit pero ako pala ang baliw. Ang sarili kong kapatid ay hindi ko nagawan tanggapin at nagawa kong traydorin. Doon ko napapatunayan na ako ang baliw sa aming dalawa. Ang sakit kasi eh. Akala ko kasi sila ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Mommy. Nakalapit ako kay Karl at tinitigan ito. "Julius doon ka nalang magpahinga sa kwarto mo" Mahinhin na sabi ko sakanya. Hindi siya sumagot ngunit alam kong hindi siya natutulog. "K-Karl Baka mapaano ka dya-" "Will you shut the fuvk up Relyn?! Hindi ka nakakatulong kahit kailan!!" Napaatras ako ng bigla siya sumigaw. Tumayo siya at natakot ako ng makita ko na nakayukom ng mahigpit ang kanyang kamao at nangdidilim ang mukha. "Bakit Relyn?! Maibabalik mo ba si Tammy sa akin?! Hayop lang Relyn! Hayop!" Halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Nangigilid ang luha ko. "Umalis ka nalang dito Relyn.. baka hindi ko mapigilan ay masaktan lang kita at mawalan ng konsensya kahit ano ka pa man" Tumulo ang luha ko at nilampasan ako pero hindi ako natinag kahit mabigat na. Pakiramdam ko sobra sobra na to. "Julius makinig ka naman sa akin!" Pagmamakaawa ko pero tinabig niya lang ako. "Wag mo ako pipilitin Relyn at wala akong pake kung kapatid pa kita" Tuluyan siya humakbang pero hinabol ko siya. "K-Karl-" Halos mapasigaw ako na aakmang sasampalin niya ako ng pinigilan niya ang kanyang sarili. Nakaharang ang palad ko sa mukha ko dahil natakot ako. "Umalis.ka" nakatiim siya habang pinipigilan niya ang sarili niya na saktan ako. Napatakbo ako at tumungo palabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse at doon ko binuhos ang lahat na sakit at takot na nagmumula kay Julius. Halos manginig ang mga kamay ko dahil sa takot at sakit. Alam ko na sanay na ako sa ganung klaseng trato ni Julius sa akin pero hindi ako makapaniwala na kaya niya akong saktan at doon ako nasasaktan lalo. Napahawak ako sa manibela at kumuha doon ng suporta. Nanghihina ako at doon ko napatunayan na Mahal na mahal niya si Tammy. Hindi siya Obsessed ngunit hindi niya kinakaya na wala si Tammy sa kanyang tabi. Doon may pumasok sa aking utak na maaaring makabawi kay Julius "Babawi ako Julius. Babawi ako sayo. Tatandaan mo. Makukuha mo si Tammy.." Pinaharurot ko na ang kotse ko at pumunta sa kung saan na Bar para malunas ang aking nararamdaman. Pero alam ko na mananatili ito hanggang hindi ako mapapatawad ni Julius. _______ #Heartless #PoorSister #Hurt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD