#MyObsessedEx ______ Naligo agad kami kahit wala kaming dala na damit. Naging panandalian lang iyon at umahon na kami. Ang importante kase ay maramdaman ko kung ano pakiramdam na maligo roon. Ang gaan lang. Sa kasalukuyan kami na nasa Yate habang kumakain pauwi. Nagutom agad ako nang pabalik kami rito sa resort. "Nag enjoy ka ba?" Tumango ako. "Hindi ko to makakalimutan" Napangiti siya sa sinabi ko. Nagkwentuhan kami habang kumakain at sumasapit na ng alas tres na hapon. "Uuwi na tayo?" Tanong ko. Natigilan kasi ako na magsimula umandar ang yate. Napansin ko napawi ang ngiti niya at tumango. "Kailangan kita ibalik eh" Hindi agad ako nakaimik. Bigla ako napatungo at kumain. Aaminin ko. Gusto ko pa manatili pero ayaw kong isipin nya na may kahulugan iyon pero ano nga ba iyon? Bigla

