#MyObessedEx _____ Habang dumating na yung mga orders namin ay kanina pang salita ng salita ang anak kong si Talius habang si Gabriel ay nanatiling tahimik habang kumakain. Napapaisip ako minsan kung bakit magkaiba ang ugali ng kambal ko. At lalong lalo na kapag si Talius ay madaldal at napakabait na bata habang si Gabriel ay tahimik lang at snobbero. Mabait naman anak kong si Gabriel pero hindi ko alam kung ano ang pakikitungo niya sa iba. "Mommy, ang sarap pa rin nito" Ani ni Talius habang masayang kumakain. Ngumiti lang ako. "Kumain ng madami okay?" Tumango naman siya sa sinabi ko habang si Gabby ay kinakausap si Gabriel. "Eat properly Gabriel." Napatingin ako kay Gabriel na pinupunasan ang bibig nito. "Hayaan mo na." Sabi ko sa asawa ko. Kung si Talius na malinis kumain ay si Ga

