Chapter 3

914 Words
"Madame?" Nagising ako sa katok ni Manang Myrna. Umunat ako ng tuluyan kong madilat ang mga mata ko. "Madame?" Tuloy parin sa pagkatok si Manang Myrna, anong oras na ba? Sinuluyapan ko ng tingin yung wall clock. Alas onse na pala ng umaga, sumilip ako sa ilalim ng comforter at suot ko na ang t-shirt ni Tyrone, na suot niya kagabi. "Madame Blythe!" Pag tawag ulit ni Manang Myrna kaya naman tumayo na ako para pag buksan siya ng pinto. "Bakit po?" Tanong ko kay Manang at bahagya kong kinusot ang aking mata. "May bisita po kayo." Sabi nito, bahagya namang kumunot ang noo ko. "Pakisabi po kay Kyla, hintayin niya ako sa baba." Sabi ko kay Manang at napatakip ako ng bibig ko dahil hindi ko mapigilang humikab, inaantok pa rin ako. "Hindi po si Ma'am Kyla." Sabi nito, napakamot naman ako nang ulo ko. "Eh, sino po ba?" tanong ko. "Si Sir Jarred, po." "Ay gano'n po ba? Sige po maliligo lang po ako saglit pa sabi na lang sa kaniya." Saaka ko sinara ang pintuan no'ng makaalis na si Manang. Himala ata at dinalaw niya ako. Napapadalas na ata ang mga bisita ko, ah, ano ako dito preso? Iba rin talaga, ewan ko ba kay Tyrone, at ayaw akong pinalalabas ng bahay. Pumili ako ng isang simpleng damit mula sa walk in closet naming mag asawa. Saka dumiretso sa banyo namin dito sa kwarto para maligo, binilisan ko lang dahil ayaw ni Jarred nang naghihintay. "I wonder what brought you here Mr. Valdez?" Tanong ko n'ong madapuan ko ng tingin ang aking bisita habang bumababa ako ng hagdan. "That's how you say 'i miss you'? What took you so long?" He asked, habang prenteng nakaupo sa sala namin. "I miss you Jarred, so what brought you here?" I mockingly said then he glares at me. "Masama bang bisitahin ko ang nag iisang babae sa buhay ko?" He asked then pout. Ngumiti ako ng matamis, tapos na ang pag-arte. "I miss you kuya!" I sincerely said as soon as I reach Jarred, and gave him a tight hug. "How I miss you too, Blayti." Sabi niya at bumitaw ako sa yakap tapos inirapan siya. "How many times do I need to correct you Kuya, it's Blythe not Blayti." Sabi ko at umupo sa sofa. "Okay as you said so, Blayti." Hays, ang kulit talaga ewan ko ba kung sino sa amin ang panganay dahil sa kilos niya. That's why minsan ko lang siyang tawagin na kuya pag matino lang siyang kausap. "Kumusta ang pinakamaganda kong kapatid?" Tanong niya at humigop sa juice na hinanda ni Manang. "Jarred, ako lang ang kapatid mo na babae." Sabi ko sa kanya at umirap. "Ay, oo, nga pala!" Pabirong sabi niya. Jarred and I are orphaned. We grew up with our biological grand parents not knowing who are our real parents. But unfortunately ang mga kinagisnan naming gurdian ay wala na. Our grand mother died due to cancer when I was nineteen. Sumunod naman agad ang aming grand father, hindi na rin siguro kinaya ang pagkawala ng kaniyang asawa. Not to mention ang estado nila sa society, kaya naman hindi na kataka-takha after their death bumuhos ang relative raw namin. Na ni minsan hindi ko nakita sa mga importanteng okasyon no'ng buhay pa ang mga matanda. "Ikaw kumusta ka?" Tanong ko rito at humigop ng kape na inilapag ni Manang Myrna kanina. "Ito lalong guma-gwapo, pero medyo na stre-stress dahil sa mga ginagawa sa kumpanya." Sabi nito at humikab pa. "Huh? Bakit naman?" tanong ko sa kaniya. "Maraming share holders ang nag rereklamo dahil daw baka hindi ko maayos ang pag papatakbo sa kumpanya." Sabi nito saka huminga ng malalim. "Masyado raw akong bata, scratch it isip bata para mag take over." I smiled on what he said. Childish nga siya. "They want bolder and matured CEO. May nag suggest pa nga na mag asawa na raw ako para may katuwang ako at mas tumino ang mga kilos ko." He said, I see pressure in his eyes, kawawa naman ang kapatid ko. "Eh, anong ginawa mo para ma overcome yung bad feedbacks nila sa'yo?" tanong ko. Baka na solve na niya 'yon kaya nag ka-time siyang bumwisita este bumisita sa akin. "Iyon na nga ang dahilan kung bakit ako na papunta rito." Sabi niya at parang nag da-dalawang isip kung itutuloy niya pa yung susunod niyang sasabihin. "And what it is?" I asked in confusion. "Ano kasi gan'to 'yan Blayti, so 'yon na nga ano tapos ayon." Huh? Ano raw? "Ayusin mo Jarrred!" sigaw ko rito. "I want you to take over the company!" Mabilis na sabi niya dahil sa sobrang gulat. "You want me what!?" Sabi ko at napatayo sa kina-u-upuan ko. "Nababaliw ka na ba kuya? Ni ayaw nga akong palabasin dito ni Tyrone, eh. Saka isa pa wala akong ka alam-alam dyan." Sabi ko sa kanya, eh, totoo naman. Hindi ko nga natapos ang last year ko sa college dahil lumandi ako at nag pakasal kay Tyrone. "Sige na naman Blayti, maawa ka sa Kuya mo." Sabi niya at ngumuso. "Pero kuya," sabi ko. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga dahil sa awa sa kanya. Pag um-oo ako paniguradong matutuwa si Jarred, pero panigurado ring hindi matutuwa si Tyrone. Konting kibot ko lang na hindi pasa sa panlasa niya ay nagagalit siya. Perfectionist siya masyado, isama mo pa na grabe ang mood swings niya, napaka-bipolar talaga ng isang 'yun. Isa pa gusto niyang maging full time wife lang ako. "Ano ba ang pumipigil sa'yo para mapa-oo kita?" Tanong niya sa akin ng sinsero. "Magagalit si Tyrone, Kuya." Pag amin ko rito. "Bakit naman siya magagalit? Sige, kaka-usapin ko siya." Sabi nito at tumayo. "Huwag Kuya, ayaw ko rin naman mag take over sa kumpanya." Sabi ko rito. "Ah, Madame, si Sir Tyrone, nandyan na po." Sabi ni Manang Myrna. "P-po? Bat ang aga niya?" tanong ko. "Blythte I'm home!" Rinig kong sigaw ni Tyrone, mula sa labas. Oh, great, just great napakagandang timing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD