Gamit ang natitira kong lakas ay tinulak ko si Venox. Na siyang dahilan kung bakit umuungol siya ngayon sa pagkalaglag sa kama. Umupo ako at dahan-dahan ko siyang sinilip. Kumamot pa siya sa ulo niya saka ulit pumikit. Masyado siyang nasapian ng kaantukan para indahin yung pagka laglag niya. Samantalang ako ay nagising ang buong sistema dahil sa nangyari. I just kissed him for the record! Hindi ko maatim na bitawan ang labi ko. Pakiramdam ko nakalagay pa rin ang labi niya rito. Fudge, ano ba itong na iisip ko? Paniguradong kahit humiga ako ay malabong tablan ako ng antok. Kaya naman minabuti kong tumayo na at buksan ang ilaw. Niligpit ko yung mga kalat namin saka ko pinatay ang TV na siyang mag damag na bukas. I was cleaning our mess when my phone suddenly rang. Agad ko itong kinuha sa

