Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad at tuloy-tuloy lang rin ang paghila niya sa akin sa hindi ko malamang lugar. Nakalayo naman na siguro kami, noh? Pero bakit walang tigil sa paglalakad si Joshua? Hindi ba siya napapagod kasi ako pagod na , e. Huminga akong malalim bago tumikhim upang kunin ang atensyon niya. “Ehem, mentor Joshua? Nakalayo na po tayo sa kanya..” Mabuti naman effective ang pagkasabi ko kasi parang wala siyang balak tumigil dahil kahit isang lingon ay hindi niya nagawa kanina basta lakad nang lakad. “I’m sorry.” Sabi niya na nakatingin sa mga mata ko. Umiwas ako bago sumagot dahil pakiramdam ko kakainin na ako nang lupa sa kahihiyan. “O-okay lang po, siguro nadala lang kayo.” May pagtataka sa mga tingin niya sa akin. “Are you sure? Kasi kung sa iba ko ‘yon ginawa

