Patalon-talon ako habang pabalik sa silid namin. Nasa hallway pa lang ako natanaw ko na ang bulto ni Annaliza na nakapamewang, ano na naman kaya ang drama niya sa buhay? Parang nanay ko na naman siyang nakapamewang habang nakatingin sa akin, natakot ako bigla baka paluin ako. “Ang bagal mo maglakad! May kailangan kang makita!” Humahangos niyang sabi na parang pagod siya at tumakbo. “Problema mo ba?” “Basta! Sumunod ka sa akin.” Aniya sabay hila sa kamay ko at madaling-madali na kinuha ang phone niya at inabot sa akin. “Watch this video.” Nagtataka na tumingin ako sa kanya bago ko pinindot ang cellphone niya para mag play ang video. Muntik ko na mabitawan ang cellphone niya nang makita ang litrato naming dalawa ni Joshua, we kissing each other at kung hindi ako nagkakamali ito ‘yung

