Pabalik na kami sa building ng hilahin niya ako at iabot ang cellphone niya sa akin na pinagtaka ko naman. “Can you put your number here?” Tanong niya na agad kong tinanguaan at sabay kuha sa cellphone niya habang may ngiti sa labi ko. Unti-unting lumelevel up ang pagiging girlfriend ko sa kanya. “Ayan na!” Sabi ko at saka binalik ang cellphone niya sa kanya. Nauna akong maglakad papunta sa kotse at sumunod siya. Pagpasok niya sa kotse tinanggal ko ang sumbrero niya sabay kuha nang tissue na nakita ko sa may drawer nang kotse niya. Una kong pinunasan ay ang noo niyang pawis na pawis dahil sa init tapos naka-sumbrero pa kami lalong doble ang init habang kumakain sa resto na napili ko. Habang pinupunasan ko ang pawis niya ay hindi ko maiwasang mag-init dahil ngayon ko lang napagtanto

