Kahit papaano nakakasunod naman ako sa steps at dalawang oras na lang ay dapat maging prepared na kami. Sa huling oras nang practice may nakausap ako at pareho kaming nangangarap na mapasama sa Breakers group pero isa lang ang dapat mapasama kaya hinusayan ko dahil magaling rin sila.
“Ready?” Naninigurado na tanong ni Mentor Kevin Lee, sa aming lahat. Seryoso rin ang aura niya na para bang kailangan naming lagpasan ang expectation niya.
“Ready na kami! Mentor, Kevin!” Sabay-sabay naming sigaw na punong- puno ng determinasyon at pag asa. Pumikit ako bago huminga ng malalim habang iniisip ang imahe ni Joshua Smith at ni Inay.
“Music play!” Nagsimulang tumugtog ang background remix music. Sumabay ang indak ng mga katawan namin sa music. Every step you take, every move and every lyric gives me strength to do what I want. Kumakanta kami habang sumabay ang pag indak sa harapan ng aming Mentor. I just want to dance to express not to impress. Wala akong pakialam ang mahalaga sa akin ay ang magagawa ko kung ano ang nasa puso ko.
Hey Havana ooh na na
Half of my heart is in Havana ooh na na
He took me back to East Atlanta na na na
All of my heart is in Havana
There’s somethin’ ’bout his manners
Uh huh Havana ooh na na
Na na na na na na na
Moon
Girls, what y’all trying to do?
24 karat magic in the air
Head to toe soul player
Uh, look out!
Pop-pop, it’s showtime (showtime)
Showtime (Showtime)
Guess who’s back again?
Oh, they don’t know? (go on tell ’em)
Oh, they don’t know? (go on tell ’em)
I bet they know soon as we walk in (showin’ up)
Wearing Cuban links (ya)
Designer minks (ya)
Inglewood’s finest shoes (whoop, whoop)
Don’t look too hard
Might hurt ya’self
Known to give the color red the blues
Ooh s**t, I’m a dangerous man with some money in my pocket
(Keep up)
So many pretty girls around me and they waking up the rocket
(Keep up)
Why are you mad? Fix ya face
Ain’t my fault y’all be jocking
(Keep up)
Players only, come on
Put your pinky rings up to the moon
Girls, what y’all trying to do?
24 karat magic in the air
Head to toe soul player
Uh, look out!
Put your pinky rings up to the moon
Girls, what y’all trying to do?
24 karat magic in the air
Head to toe soul player
Put your pinky rings up to the moon
Girls, what y’all trying to do? (do)
24 karat magic in the air
Head to toe soul player
Uh, lookout
The music end
“Excellent! Guys, keep it up, lilinisin lang nang konti then ready na tayo sa stage, ibigay niyo na ang best para wala kayong pagsisishan sa huli,” nagustuhan naman ni Mentor Kevin, pero hindi pa dito natatapos ‘to dahil ipapakita namin sa lahat nang Mentor ang aming mga performance at kung sino ang aangat ay siyang makakapasok sa Breaker’s group habang ang maiiwan ay gagawa nang new group. Hindi naman kami talo kung tutuusin ang pinagkaiba lang ay masyadong sikat ang Breakers Group.
“Pwede po magtanong?” Nagtaas ng kamay ang isang babaeng mistiza.
“Yes, binibini, what is it?” Sagot ni Mentor Kevin.
Kitang-kita ko ang namumulang tenga nung babae, “Pwede po mamili kung sino ang gustong Mentor? Sa next round, if ever na hindi kami sa Breakers group sabi niyo isa lang ang pwede makapasok at hindi na po ako aasa dun.”
“Seriously? Sino naman ang gusto mong mentor?”
Nag forward ito nang konti para mas malapit kay Mentor Kevin, “Pwede po bang ikaw nalang? I have a crush on you, sumisikat ka palang gusto na kitang makita at sinabi ko sa sarili ko gagalingan ko para mameet kita one day,” she said directly without any hesitation. “And ngayon ang araw na ‘yon..”
Ang straight forward naman niya! Nakakamangha lang na kaya niyang mag tapat nang harapan. Sana, di ba ako rin kaya ko? Na motivate ako bigla.
“Thank you for supporting me, but you need to practice more and don’t worry hindi ito ang huli nating pagkikita,” segunda naman nitong si Mentor Kevin.
“Yiee! Hope all malakas!” Hiyawan ng mga ka batch mate namin at puro sigawan ang maririnig dahil kinikilig sila, mas kikiligin ako kung biglang dumating si babes Joshua Smith. Pareho pala kami nitong babae nang pangarap, bukod sa dreams namin makapag perform internationally and makilala, dreams rin namin makita ang aming mga favorite na celebrity.
Pagkalipas ng ilang minuto, kumalma na sila. Pinag pahinga muna kami upang handa kami mamaya sa stage, natataranta ako na natatae mukhang matutuloy ang pagtae ko kasi inaatake na naman ako nang nervous.
Uupo na sana ako sa gilid nang may kumalabit sa akin, “Hi! Pinagmamasdan kita kanina ang galing mo kasi sumayaw at kumanta tumatama ka sa nota, paano mo ‘yun nagagawa?” Manghang tanong nitong babae na mukha kaedad ko lang.
Tinuloy ko na ang pag-upo at ganoon din ang ginawa niya, kaya ang tendency magkatabi kami, “Ay, nako! Hindi naman magaling, marunong lang.”
Hinataw niya ako pero mahina lang, “Pa humble? Pero ‘di nga ang galing mo.”
“Thank you, magaling tayong lahat may iba’t ibang technics nga lang.”
“Can we be friends?” Tanong nito at syempre need ko rin magkaroon dito nang friends para madaling kumilos.
“Yes, we are now friends.” Pagdeklara ko kaya sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
“Yey! Thank you,” sabi nito na parang bata.
“Guys, magpunta na daw kayong lahat sa dressing room for costumes, makeup and all of you need to take vitamins.” Sabi nung isang staff nang studio. Alaga talaga kami dito kahit ilang oras pa lang ang lumipas.
“Let’s go? Sabay na tayong magpunta sa dressing room-”
“Mauna ka na, susunod na lang ako kailangan ko magpunta sa restroom.”
“Okay, sunod kana lang agad, seeyah!” Masagana nitong wika at saka nauna tumayo sa akin habang ako ay nakaupo pa.
“Sige, ingat.”
Patayo na sana ako ng sumakit ang tiyan ko at parang tutuloy na ang pwet ko na umarangkada sa restroom, imbis na dumiretso sa dressing room lumihis ako ng daan para hanapin ang restroom. Lakad doon, lingon dito, hanap diyan, hanap dito na para bang emergency. Lalabas na talaga siya! Saktong may dumaan at mukhang staff dito sa studio kaya lumapit ako para magtanong.
“Miss? Saan po ang restroom dito?”
“Umikot ka lang diyan sa may hallway.” Anito na sinunod ko agad pero bago ‘yon nagpasalamat ako.
At habang mabilis na naglalakad may nabangga ako na kung sino, akala ko nga pader kasi masyadong matigas ang dibdib pero nang iangat ko ang aking ulo para akong nasa langit. Magandang mukha na bumaba mula sa langit kalahi kaya siya ni Adan? Sino si Eva, ako ba? Yay! Kailangan ko na pala magpunta sa restroom.
“Jo-Joshua Smith..” I whispered.
“Be careful, next time,” sabi nito habang seryoso ang aura, ibig sabihin ba 'nun ay nag aalala siya sa akin? Gosh, hihimatayin na ata ako at mukhang umatras ang poops ko dahil nakakita nang gwapo, nahiya ata?
“So-sorry-” umalis agad siya nang hindi man lang pinakinggan ang sasabihin ko. Ang cold naman niya sa personal, but in fairness! Nag aalala siya sa akin! Be careful daw, next time!? Wahh! Kinikilig ako gagii.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin matapos ilabas lahat ng mga kinain ko this past few days, mabuti na lang pala hindi ako maputla o hindi ako haggard kanina. Naisipan ko na lumabas dahil baka hinahanap na ako ng mga kasamahan ko sa studio.
Nakakunot-noo kong pinihit ang pinto sa restroom ngunit ayaw magbukas, hindi ko naman siguro nailock sa labas ang pinto? Ay, tange! Nasa loob ang lock kaya impossible na nakalock sa labas, maya-maya pa, natataranta na ako dahil baka hindi na ako makalabas at baka mamaya nagsisimula na silang mag perform
“Tulong! Tulungan niyo ako nalock ako dito!” Panay ang sigaw ko at dasal na sana ay may dumaan na pwedeng makatulong sa akin. “Tulong! Tulungan niyo ako parang awa niyo na!”
Walang signal akong nasasagap kaya hindi ko matawagan si Agatha, naiiyak na ako sa nangyari dahil may phobia ako mag isa. Huminga ako nang malalim at pinilit na patatagin ang sarili habang tinutulak ang pinto.
“Tulong! May tao dito! Parang awa niyo na po, sino ang nandiyan? Buksan niyo ang pinto na lock ako!” Walang patid kong sigaw umaasang makakalabas dito.
Mag isang oras na akong nakakulong dito, alam kong tapos na ang performance kaya ang nasa isip ko na lang ay ang makalabas dito ngunit walang naghahanap sa akin, hindi ba nila napansin na wala ako? Pakiramdam ko sinandya ang lahat nang ito dahil kanina naman maayos ang pinto at isa pa nagtatawag ng name kaya impossible na hindi nila alam na nawawala ako.
Unti-unting bumibigat ang paghinga ko kaya sa huling natitira kong lakas muli akong sumigaw ng saklolo, “Tulong! Na lock ako dito, parang awa niyo na!”
“Tulong..” Bumibigat ang aking mga mata, lumalabo na rin ang aking paningin at pakiramdam ko hindi magtatagal mawawalan na ako nang malay, natatakot ako dito at nilalamig na rin ako. Wala akong ibang kasama dito kundi ako lang, ano ba ang nangyayari? Malas ba ako?
“Tulong..” Huling bulong ko bago tuluyang mawalan ng kamalayan, wala na akong alam sa paligid ko. Wala na ang pangarap ko, wala na si Joshua Smith, mapapahiya lang ako kay Mama nito.
Unti-unti kong binulat ang aking mga mata. Pagkatapos iginala ko ang aking paningin sa kisame na maraming ilaw at nakakasilaw. Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit amoy hospital dito, imposible hindi pwede, hindi pwedeng masira ang pangarap ko..
Sinubukan kong bumangon para sana makumpirma kung nasaan ba ako pero nagulat ako nang mapansin kong may nakasukbit sa aking braso na dextrose. Kumpirmadong nasa ospital ako, umupo ako bago pumikit nang marahan dahil medyo nahihilo pa ako.
“You’re awake, nasa clinic ka nang Entertainment. Wala kang dapat ipag alala and may gusto lang sana kaming itanong sa’yo,” muntik na akong mapahiga nang marinig ang boses na ‘yon at hindi ako pwedeng magkamali.
Lumingon ako sa may pinto, doon nakita ko ang matagal ko nang hinahangaan at nakapamulsa siya, “Jo-Joshua Smith?”
Speechless
“Contestant?” Tanong nito sa akin.
“O-oo, tapos na ba ang performance-”
“What happened to the restroom? May nag lock sa’yo sa labas at nakatali ang doorknob kaya nalock ka sa loob,” pahayag niya at sandali akong natigil. “May kaaway ka ba?”
Kaaway? Nagpapatawa ba itong gwapo kong kaharap, walang may galit sa akin dito kasi lahat kami ngayon lang nagkakilala kaya impossible.
“Wala, paano ako magkakaroon ng kaaway, ngayon lang kami nagkita-kita dito at saka anong dahilan?” Hindi ko alam kung siya ba ang tatanungin ko o ang sarili ko dahil para na akong baliw dito na nag iisip sa kung sino ang may gawa nun.
“Sir! Nakuhaan na po namin ang mga CCTV sa buong building at kilala na po namin kung sino ang may gawa nito,” pareho kaming napatingin sa lalaking may dalang folder na mukhang siya ang nag imbestiga sa nangyari.
“Miss, please wait here for a while,” seryosong saad ni Joshua sa akin ngunit ayokong maghintay lang dito gusto kong malaman kung sino ang may gawa sa akin nito at ano ang motibo niya.
Tumayo ako nang hindi iniisip ang dextrose na nakakabit sa pulsuhan ko, “Wait, gusto kong malaman kung sino-”
“Stop messing around, okay? Kami na ang bahala dito-”
“Excuse? Idol kita pero hindi mo ako pwedeng pigilan sa gusto kong makita ang may gawa nito, bakit? Pinoprotektahan niyo ba ang Entertainment na ‘to? Para hindi kayo masira sa publiko,” hindi ko sinasadyang masabi ang mga salitang ‘yon, I just want to know kung sino ang may gawa nito sa akin.
He was standing some distance away from me, then he walked closer and stood in front of me. Napahawak ako sa kumot ko nang mahigpit dahil malapit lang siya sa akin, ngayon ko lang nakita ang mukha niya nang malapitan.
“Kung gusto mong malaman mag stay ka dito, paano namin malalaman kung may kasama kaming patient na kailangan alagaan?”
“Hindi naman ako alagain at saka-”
“Shut up and stay here, once na malaman ko na lumabas ka dito at mangealam sa pag iimbestiga, hindi kana makakapasok sa Entertainment na ito.”
“Pinag babantaan mo ba ako?”