Palabas na kami ng building sa Araneta nang biglang may kung anong tumama sa akin. Paghawak ko sa ulo ko kung saan tumama bigla akong nanlagkit dahil itlog na fresh iyon at nabasag sa ulo ko kaya mabilis akong inilayo ng mga guard pero sunod-sunod na ang pagbato sa akin ng mga egg at naiiyak na ako hindi lang dahil masakit ‘yon kundi dahil nararamdaman ko kung gaano ako ka-hate ng mga tao, mas maraming hate kasya love. “Esther! Madaya, madaya, madaya!” “Feeling pretty at magaling! Pero ang totoo walang binatbat!” Parang sinaksak ang puso ko sa aking mga naririnig. They hate me, but why? Did I do something wrong? Mukha ba akong sinungaling? Siguro ng kasi hindi pa rin sila kumbinsido sa talents na ipinapakita ko, akala nila pandaraya pa rin. “Esther, sa likod mo!” Boses ni Annaliza

