Simula nang mamasukan ako sa mag-asawang Gaisano gumaan na kahit papano ang aking buhay. Iba ang mag-asawa kaysa sa iba kung mga naging amo. Mabait ang dalawa at sa anim na buwan na paninilbihan wala pa akong napansin na hindi magandang ugali ng mag-asawa.
Si Ma'am Madeline ay isang modelo samantalang si Sir ay isang bussinessman. Kung hindi ako nagkakamali isang bilyonaryo si Sir Renton samantalang galing si Ma'am sa isa sa mga pinakamatandang mayaman na pamilya sa Pilipinas.
Isang perpekto na pamilya. Hindi ko rin maiwasan na mainggit sa buhat na mayroon sila. Paano kaya kung nakapagtapos ako sa pag-aaral? Yayaman din ba ako? Napabuntong hininga ako habang tinitignan ko ang mag-asawa na nagsusubuan.
Sa aking pagkaka-alam ay isang taon pa itong kasal at apat na taon na magkarelasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend at dalawang taon ito bilang mag-fiancee bago ang mga ito ikasal.
Simula ng una kong makilala si Sir hindi ko maiwasan na magka-crush dito. Gwapo kasi si Sir mas lalo lamang akong nagkagusto rito lalo na at mabait ito sa aming mga kasambahay.
Hindi ko maiwasan na mag-imagine na sana ako ang sinusubuan ni Sir at ako ang nagsusubo rito. Napalunok ako at nagyuko ng aking ulo ng mapatingin ang mag-asawa sa aking direksyon.
“Iwanan mo na muna kami ng Ma'am mo rito Anna. Tatawagin ka ulit kapag tapos na kami ng Ma'am mong kumain.” Mabilis na tumango ako.
“S--ige po Sir.” Nagmadali ako sa paglakad sa may dirty kitchen ng mansyon.
Ilang beses na nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Tila hinabol ako ng aso sa ginawa kong paghinga saka namamawis din ang aking noo. Inabala ko ang aking sarili at hindi na ang dalawa inisip.
Hindi na maganda ang nararamdaman ko lalo na at parang nahuhulog na ako sa boss namin. Tumulong ako sa gawain sa kusina at laking pasalamat ko dahil hindi ako tinawag ng aking mga boss.
“Anna?” Napalingon at napatalon ako.
“Po?” kaya pala napapansin ko may kung anong amoy panlalaki.
May tao pala kasi talaga sa aking likuran.
“Ilang taon ka na ulit Anna?”
“Twenty po Sir,” sagot ko at nagpatuloy na ako sa pagdidilig ng mga halaman.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang presensiya nito sa aking likuran. Ilang sandali pa hindi na lamang pabango nito ang nanunuot sa aking ilong naamoy ko na rin ang amoy ng sigarilyo. Hindi ako nagkamali may hawak itong sigarilyo at kakabuga pa lamang nito.
“May boyfriend ka na ba Anna?” umiling ako rito.
Hindi ko alam kung bakit may ngiti sa labi nito matapos na marinig ang aking sagot. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Baka umasa pa ako dahil sa simpling pag-ngiti na ginawa.
“May nanligaw ba sa'yo noon?” umiling ako bilang sagot. “Sa ganda mong yan?” napangiti ako hindi rin na maiwasan na kumalabog ang aking dibdib sa narinig na papuri galing dito.
“Wala pong nagkamali Sir.” Natatawa kong ani.
“Paano kung may nagkagusto sa'yo? Tapos may asawa na Anna?”
“Po? Hindi ko po alam.”
“Wala pong gusto sa'kin si Manong Sir at ang iba pang mga kasama ko na naninilbihan sa inyo,” umiling ito.
Pinatay ko ang hose at nagsimula kong ayosin para maisabit na ulit. Ngayon ay nakaharap na ang aking katawan habang ginagawa ko iyon.
“Paano kung ako Anna? Paano kung sabihin ko sa'yo na gusto kita?” tumawa ako ng malakas na tila sinasapian ng masamang espiritu.
Ilang sandali rin ang ginawa kong pagtawa bago ako tumigil. Tumigil ako nang makita ko na seryoso ako nitong tinignan. Habang wala kahit na anong emosyon na makikita sa mga mata nito.
“Nagbibiro kayo Sir? Di'ba? Impossible naman yata na gusto niyo ako,” ang lakas ng kalabog ng aking dibdib habang hinintay ko itong tumango.
“Gusto kita Anna.”
Paulit-ulit na pumapasok iyon sa aking isipan. Hindi mawala ang sinabi nito.
Gusto kita Anna. Gusto kita Anna. Gusto kita Anna. Gusto kita Anna. Gusto kita Anna.
Nagpaikot-ikot ako sa aking kama sa tuwing naiisip ko ang sinabi nito. Ang sarap pakinggan kapag umamin ang crush mo sa'yo. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip sa sinabi ni Sir Renton.
Buti na lang talaga at ako ang huling kasambahay na hinire nila. Dahil ako lang mag-isa sa isang silid. Hindi na kasi magkakasya sa silid ng mga kasama kung kasambahay kapag doon pa ako matulog sa maids quarter.
Sa totoo kasyang-kasya pa iyon nga lang gusto ng mga ito na komportable ang kanilang mga kasambahay. Lalo na sa mga matatandang kasambahay. Isang guest room ang aking silid.
Ito ang pinakamaliit na guest room na mayroon ang mga ito. Ang kinaganda ay mayroon itong sariling banyo. Sumapit ang umaga gusto ko pa rin na ipagpatuloy ang pagtulog ngunit hindi ko ginawa.
Hindi ako Madam para matulog kung kailan ko gusto. Isa akong kasambahay ano pa't makakapapahinga rin kami pagkatapos umalis ng nag-asawa. Pupwede na rin ako makapagpahinga at makatulog ulit.
Kinabukasan habang isa ako sa nag-serve sa pagkain hindi ko magawang mapatingi sa mga ito. Nakayuko lang ako the whole time.
“May eyebags ka. Hindi ka ba nakatulog kagabi at mukha kang zombie kung gumalaw.” Tumingin ako sa direksyon ng table at hindi ako nagkamali ng makitang nakatingin si Sir sa'kin.
“Ano ka ba Katherine. Huwag kang maingay.” Pinanlakihan ko pa ito ng mata.
Napakunot ang noo nito at ipinagkibit balikat ang aking sinabi. Tumulong ako kagaya ng mga nakagawian. Sobrang nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ang mag-asawa. Hindi ako masyadong makahinga kapag nakikita ko ito. Nahihiya pa rin ako at hindi makapaniwala na may gusto ito sa'kin.
“Bakit wala kang tulog Anna? Halata kaya na wala kang tulog lalo na at mayroon kang maputing balat,” hindi ko ito sinagot at lumapit na ako sa mayordoma ng bahay nang alam kung tapos na ako sa mga trabaho.
“Nanay Seling, pwede po bang magpahinga?” tumango ito.
“Tapos ka na sa trabaho mo? Kung pwede ka ng magpahinga. Mukhang ang bigat pa ng talukap ng iyong mata.” Tumango ako bilang pagsang-ayon.
“Sige po Nanay. Salamat.” Nilampasan ko ang kuryoso na tingin na ginagawad ni Katherine.
Hindi na yata ito nakatiis at sinundan ako nito.
“Hindi ka naman nagpupuyat Seina.” Umirap ako at kahit pa kuryoso si Katherine ay kinuha ko na ang kumot.
Nagsimula na ako sa pagtalukbong ng kumot ko sa aking katawan. Gusto ko matulog sobrang bigat ng talukap ng aking mata na feeling ko ay magkakaroon pa ako ng lagnat kung pipilitin ko ang sarili ko.
“Hays...sige mamaya ka na lang magkuwento Anna.” Tuluyan na akong nagpadala sa antok na aking nararamdaman.
Bumangon ako ng magising ako na sarap na sarap ang aking nararamdaman. Nakapagpahinga rin kahit papano. Hindi na muna ako lumabas ng silid at nag-ayos pa kahit papano.
Lumabas ako sa silid. At dahil malapit lang ang silid ko sa kusina nakita ko kaagad ang dalawang mag-asawa. Nakatalikod si Ma'am Madeline samantalang si Sir Renton ay nakaharap sa aking direksyon kaya huli na para magtago dahil nakita na ako nito.
Mabilis akong bumalik sa aking silid. Napahawak ako sa aking dibdib sobrang lakas ng kalabog ng aking dibdib. Habang nakatingin ako sa itaas ng kisame. Hindi pa rin bumabalik ang normal na pagtibok ng puso.
Nakita ko ang hubad na katawan ni Sir ngayon. Pawis na pawis pa ang pang-itaas na bahagi na katawan nito. Napasapo ako sa aking noo wala na nga akong tulog kagabi sigurado ako na wala na ulit akong tulog mamayang gabi dahil sa nakita ko.
Naka-awang pa si Sir habang gumagalaw ito sa ibabaw ni Ma'am. Tumakbo ako kung saan ang aking cellphone at tinignan ang oras doon. Alas tres pa ng hapon. Bakit nandito na agad ang mga ito? Nasaan ang ibang kasambahay ng bahay?
Masyado pang maaga para magtalik ang mga ito. Pabagsak na binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama na mayroon ang silid na ito. Sa anim na buwan kong paninilbihan sa mga ito ngayon ko lang nakita ang mga ito sa ganoong posisyon.
Bakit ang malas malas ko ngayong linggo? Hinintay ko na umabot ng isang oras bago ko ulit susubukan na lumabas. Baka sakaling tapos na ito sa pagtatalik na ginagawa.
Lumabas at nagmadali na hinanap si Katherine. Laking ginhawa ko ng wala na ang mga ito sa kusina. Narinig ko ang mga boses sa may kusina kaya naglakad na ako papunta roon.
“Katherine!” napatingin ito sa'kin pati na rin ang mga kasama nitong matatanda.
Hinawakan ko ang braso nito at dinala sa may sulok.
“Bakit Anna?” ngumungaya pa rin ito ng tinapay habang nakatingin sa'kin.
Kinuha ko ang kinakain nito at nagsimula ko itong kainin.
“Si Sir... nasaan ba kayo kanina Katherine?” nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa likuran ni Katherine.
Si Sir nasa likuran nito at suot suot nito ang isang white na sando.
“How about me Anna?”
“O! Ikaw po pala Sir,” napalingon si Katherine at napaayos ng tayo.
Kaming dalawa ni Katherine ay nakaharap na kay Sir Renton na ngayon ay nakasuot na ng puting sando. Yumuko ako ayaw kung makita si Sir dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang harapin.
Hindi ko nga ito nakayanan na harapin kanina ngayon pa kaya na nakita ko itong hubad habang gumagalaw sa ibabaw ng kanyang asawa.
“Bakit nabanggit ang salitang Sir kanina Anna?” hindi ako sumagot naramdaman ko tuloy ang
“Bakit daw Anna? May sasabihin mo yata si Anna tungkol sa'yo kanina Sir. Sige po mauuna na po ako.” Bago umalis ni Katherine ay bumulong na muna ito sa'kin.“Patay,” napatingin na lamang ako sa papalayong bulto ni Katherine
“Ano po 'yon Sir?”
“Bakit hindi ka makatingin Anna?” nag-angat kaagad ako ng tingin at pinagsiklop ang aking mga daliri.
Ilang segundo lang ang ginawa kung pagtingin bago ulit tuliro ang aking mata. Hindi pa rin ako makatingin rito.
“Nakatingin na po ako Sir.” umiling ito at nagsimula na ulit sa paghihit sa kanyang sigarilyo.
“Nakita mo kami kanina. Pasensya na tungkol doon after kung umamin ng nararamdaman ko sa'yo nakita mo pa kami ni Madeline sa ganoong sitwasyon.” Nag-iwas ako ng tingin dito.
“Natural lang po iyon mag-asawa po kayo ni Ma'am Madeline. Nabigla lang po talaga ako kanina first ko kasi nakakita ng live na porn.” Napatakip ako sa aking bibig after lumabas iyon sa aking bibig.“Ay...sorry po.” Nag-peace sign kaagad ako rito.
“Anna... pwede mo bang kalimutan ang nakita mo kanina? At ang sinabi ko sa'yo nang nakaraan?”
“Sige Sir.” Maikli kung sagot.
“Thank you!”
“Wala na po kayong ibang sasabihin?” napakamot pa ako kunwari sa aking ulo habang nakatingin dito.
“Wala na. Sana huwag mong ipagsabi sa iba ang sinabi ko kagabi at kalimutan mo na sana ang sinabi ko Anna.” Ilang beses akong tumango.
“May sasabihin pa ba kayo kung wala na pwede na po ba akong umalis?” tumango ito.
Nagmadali akong umalis at bagsak ang balikat na bumalik sa kusina.
“Anong pinag-usapan nito ni Sir Anna?” hindi ko ito sinagot at guilty na nakatingin kay Ma'am Madeline na ngayon ay nakikipagtawanan sa kapwa kasambahay.
“Mamaya sasabihin ko.” Tumango ito.
Laking pasasalamat ko dahil hindi na ito nag-abalang magtanong. Wala naman akong ginagawang masama pero sa nararamdaman ko ngayon mukhang may kasalanan ako. Mayroon pala akong kasalanan iyon ang umibig ako sa lalaking may asawa na.
Umasa pa ako na gusto rin ako ni Sir. Siguro napagtripan lang ako ni Sir kagabi habang sinasabi niya na gusto ako nito. Hindi ko maiwasan na umasa. Makipagkuwentuhan na rin ako sa mga ito.
Isa sa mga nagustuhan ko rito hindi kami itinuring ng mag-asawa na naiiba kami. Tinuturing kaming kapamilya. Isa pa ay nakikipagkwentuhan pa rin ang mga ito sa amin.
“Pag-isipan mo ang offer ko sa'yo noon Anna. Maganda ka lalo na at may connection ako kaya-kaya kitang mapapasok sa modeling industry ng walang kahirap-hirap.”
“Maraming salamat po Ma'am pero wala po akong balak na magmodelo. Mahiyaan po ako Ma'am.” Umiling ito.
“Dumaan din ang ibang modelo sa pagiging mahiyaan Anna.”
“Ang ganda ngang bata ito si Anna. Akala ko nga noong una ay isa sa mga kamag-anak niyo itong si Anna.” Tumango ang iba bilang pagsang-ayon.