Chapter 3

999 Words
Hi, guys! Hope you support this story. And please understand kung medyo panget. By the way, pag may nakita po kayong XZYRA'S (MARGAUX)/ HARVEY'S(VINCE), ETC .POINT OF VIEW ibig sabihin po nagte-taping sila. Gets?! *** Harvey's (Vince) Point of View *Totototooot!Totototooot-* Pinatay ko ang alarm ko at bumangon, humikab pa muna ako bago pumunta sa cr ko at maligo at magsepilyo. Nang matapos akong maligo at magsepilyo ay nagbihis na ako ng uniporme sa University. Pagkababa ko sa hagdan nakita kong kumakain na sila mom, dad at si Grail na kapatid ko. Katahimikan ang namumutawi sa hapagkainan. Ganito talaga. Nasobrahan ata ang mga magulang ko sa manners at parang nakalimutan nilang hindi naman masama magsalita habang kumakain. "Good morning" seryosong bati ko sa kanila. Hindi sila sumagot at nagtuloy-tuloy lang sa pagkain. Naupo na ako sa upuan at nagsimula na rin kaming kumain. Hindi kami ganto katahimik ni Grail sa hapagkainan pag wala sila mom and dad sa totoo lang sobrang ingay namin tuwing wala sila mom. At oo nga pala, mag-asawa sila ni mom pero hindi sila ikinasal dahil mahal na mahal nila ang isa't isa, kundi dahil sa arrange marriage nila. Oo magkasama sila but it was never been love ang namagitan sa kanila. My father still trap in the past with her ex, na ngayon ay asawa na ni Mr. Lander Hutchinson. Kaya galit na galit siya kay Mr. Hutchinson at nadamay ang buong angkan ng Hutchinson ang kinagagalitan niya basta isang Hutchinson galit na agad siya. Ang sabi niya sa amin inagaw daw ni Mr. Hutchinson sa kanya si Mrs. Arriane. And my mother? Well, actually hindi ko alam. Lagi kasi siyang tahimik at blangko ang ekspresyon ng mukha. Nang matapos kumain si Grail hinintay niya muna ako matapos kumain dahil sabay kami lagi dahil iisang University lang naman ang pinapasukan namin. "Tara na kuya, excited na ako!" Sabi ni Grail nang matapos ako kumain. Kaya kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko, doon naman diyan sa passenger seat sumakay, nagsimula na akong mag-drive patungo sa Diamond Skyle University. "Cut!" Sabi ni Direk Ferdy. Pinark ko ang kotse ko sa tabi at dumeretso agad ako sa bag ko at uminom ng tubig. "Magaling maganda na agad ang unang kuha namin sa inyo. Walang kupas pa rin ang galing niyo sa pag-arte" papuri ni Direk Ferdy sa amin. "Naman, Direk! Kami pa!" Ako. Kaya nagtawanan sila. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Direk Ferdy. Sinagot niya naman ang tawag. "Ah...talaga?Kami rin dito ay tapos na....Oo, Didiretso na nga kami dun ngayon....Oo,sige" Direk Ferdy at pinatay ang tawag. "Tapos na rin sila ni Xzyra. Kaya dederetso na tayo sa Diamond Skyle University para sa susunod na taping natin" Tumango naman kami at umalis na dun. Nga pala makulimlim ngayon pero sabi naman sa weather hindi naman daw uulan ngayon dito. Kaya hindi magtataka ang mga manonood na tanghali na kami nagsimula dahil hindi naman halata kasi nga makulimlim. ***---------------------------------------------*** Xzyra's (Margaux) Point of View Pagkagising ko ay agad akong pumunta sa C.R para maligo at magsepilyo na rin. Matapos kong maligo ay agad kong sinuot ang uniporme ko at itinali ang buhok ko into ponytail at naglagay na rin ako ng kaunting pulbos. Mamaya pa ako magliliptint dahil kakain pa naman ako mabubura lang din yun kaya mamaya na lang ako maglalagay. Pababa pa lang ako rinig na rinig ko na ang mga malalakas na halakhakan nila mom, dad at Liam. Ayoko siyang tawaging Hades dahil tunog pangdemonyo. Kaya Liam na lang. Nang tuluyan na akong makababa. "Good Morning Anak!/Ate" sabay sabay nilang bati sa akin. "Good Morning" poker face kong saad bago umupo sa upuan at nagsimulang kumain. Tawanan pa rin sila ng tawanan habang binabalikan ang mga nakaraan nila mom and dad at pati na rin nung bata kami. For goodness sake nasa harap kami ng hapag pero tawanan sila ng tawanan. Hindi naman sa masama. Pero-argh! Hindi naman ako KJ, nuh. Maingay ako. Sa totoo lang mas maingay ako sa kanila pag wala kami sa hapag. Pero, nirerespeto ko kasi ang mga pagkaing nasa harap ko. Hindi naman din sa wala silang respeto sa mga pagkain sa harap namin. It's just that-argh! "Hindi ka ba masaya na first day mo as a sophomore in college?" Dad asked. "Hindi naman po sa ganun it's just that puro pakilala lang naman po ang simula nun." Ako. Tumango naman si Dad. "Pero counted pa rin yung pasok niyo ngayon sa attendance sabi mo ang goal mo ay ma-perfect ang buong school year na walang absent." Tumango ako. "Oo nga po dad" ako at nginitian si papa ngumiti din siya sa akin bago namin ipagpatuloy ang pagkain. Nang matapos akong kumain hinintay ko pa muna matapos kumain si Liam dahil parehas kami ng pinapasukang unibersidad. Ako sa college department at siya sa highschool. 3 years ang tanda ko kay Liam. "Tapos na ako, ate!" Masiglang saad ni Liam sa akin habang pinupunasan ng table napkin ang bibig. "O sige, tara na!" Ako at nginitian siya. Kinuha niya naman ang bag niya at isinukbit sa balikat niya. Kinuha ko na rin ang bag ko at isinukbit rin sa balikat ko. Tumungo kami sa parking lot para gamitin ang kotse ko. Wala pa kasing lisensya si Liam dahil bata pa siya. 16 pa lang siya at 19 na ako. Inis-start ko na ang makina at umalis na kami sa mansion at tumungo na papuntang Diamond Skyle University. "And...cut!" Sabi samin ng assistant director. Agad kong pinark sa tabi ang kotse ko. Kotse ko kase talaga ang ginamit. "Magaling! Matutuwa ang director dahil maayos ang pag-acting niyo. Ang pagtawa ng family ni Margaux ay parang totoo at ang pagpapakita ng ekspresyon ni Xzyra sa karakter ay parang totoo niyang nararamdaman" hindi ako umimik. Sabi nga nila if you want the movie to be successful, dapat ramdam mo ang nararamdaman ng karakter mo para maging tagos puso ang mga eksena at lines. Tinawagan ng Assistant director si Direk Ferdy. "Hello po Direk, tapos na po kami....Sa Diamond Skyle University po ang sunod diba?Mauuna na po kami run..." "Pupunta na tayo ngayon sa Diamond Skyle University para sa susunod na eksena" si Assistant director kaya sumunod kami at dumeretso na sa Diamond Skyle University. *** EDITED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD