Chapter 21

961 Words
Xzyra's(Margaux) Point of View Nakablind-fold ako ngayon habang inaalalayan ako ni Pat, sabi niya may surprise daw sila sa akin. Habang naglalakad ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang kinakabahan ako. Maya-maya pa ay tinanggal niya na ang blindfold, sabay na may narinig akong kumakanta. All I Ever Need By: Austin Mahone "Don't the water grow the trees Don't the moon pull the tide Don't the stars light the sky Like you need to light my life" Napangiti ako habang lumuluha na, lumuluha dahil sa kasiyahang nadarama ko. Nandito silang lahat. Sila mom, dad, and Liam. Tita Zia and Tito Drake atsaka si Grail. Kasama rin sila Pat at Nale. Nakita kong unti-unting tumalikod ang mga babae. Unang tumalikod si mama. Nakita kong may nakalagay na salita sa damit nito. 'WILL' ang nakalagay dito. Sunod na tumalikod si Grail at meron ring salita sa damit niya. 'YOU' sunod na tumalikod si Tita Zia at gaya nila mama at Grail meron ring salita sa damit niya 'MARRY'. Sunod naman si Pat. 'VINCE' ang nakalagay sa damit niya. Pinagdugtong-dugtong ko ito. 'WILL YOU MARRY, VINCE!". Mas lalo akong napaiyak sa tuwa. Maganda ang pagkakaset-up sa kapaligiran, may mga heart  pa na nakalagay at may mga lobo pa etc. "You're all I ever need Baby, you're amazing You're my angel come to save me You're all I ever need Baby you're amazing You're my angel come to save me, oohh..." Lumapit sa akin si Vince habang tinutuloy ang pagkanta. "When it comes to you, baby I'm addicted You're like a d**g, no rehab can fix it I think you're perfect baby even with your flaws You ask what I like about you, ooh I love it all..." Binigay niya sa akin ang dala niya bouquet of red roses, tinanggap ko naman ito ng nakangiti. "When it comes to you, baby I'm addicted You're like a d**g, no rehab can fix it I think you're perfect baby even with your flaws You ask what I like about you, ooh I love it all" Tinapos niya ang kanta. Nginitian niya ako ng labas ang ngipin. Saka nagsimulang magsalita. "Marami na tayong pinagdaanan, babe. Nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan, kahit na alam nating magkaaway ang mga pamilya natin, hanggang sa unti-unti nating minahal ang isa't-isa, hanggang sa naging tayo. Sinekreto pa natin 'to kila mom and dad, Tito and tita, dahil alam nating magagalit sila. No, magagalit ang mga daddy natin. Hanggang sa nalaman nila, nagalit sila sa atin. Sinubukan nila tayong paghiwalayin, pero..." Huminto siya at medyo tumawa na parang naaalala ang mga panahon na yun. Pati ako ay naalala yun. 2 taon na rin pala nung mangyari yun. "...sadyang mga pasaway tayo at hindi tayo nagpapigil...at tinuloy pa rin natin ang relasyon na'tin, haha. Dumating pa sa oras na tinakasan natin sila para hindi nila tayo, mapaghiwalay. Pero, nagulat tayo na bigla na lang nagpakita sa labas ng bahay natin sila, laking tuwa natin nun dahil sinabi nilang pumapayag na sila sa relasyon na'tin, hanggang sa naging dalawang taon na tayo. At ngayon....ang unang gusto kong sabihin ay mahal kita, mahal na mahal kita, hindi ako magsasawa na sabihin sa'yo na mahal kita. Ngayon, babe...." Bigla na lang siyang lumuhod at may nilabas na isang maliit na box at binuksan iyon. Napasinghap ako. Isa itong.... SINGSING! "...do you wanna spend your life with me? Do you wanna grow old with me? Will you marry, me?" Saad niya. "Yes...YES!YES!YES!" Masayang saad ko. Isinuot niya naman ang singsing sa daliri ko. Maliit lamang ang bato nito, pero kahit simple lang siya, maganda siya. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon. Niyakap niya ako. "I love you, Mar babe" ani niya. "I love you too" ani ko. "And....cut!" Ani direktor. Naghiwalay kami sa yakap ni Harvey. "Ang galing umiyak, ah! Parang totoo" Biro ni Harvey. "Naman! Specialty ko na gawing parang totoong story yung ginagampanan ko, eh" parehas kaming natawa. "Ikaw, ang galing mo mag-propose, ah! Gawin mo rin kaya yan sa isang babae?" Ouch. Teka ano yung parang sakit na'yun? Bakit parang nasaktan ako sa sarili kong sinabi? Ay, Ewan. Nagkibit-balikat siya. "Who knows? Pwedeng hindi....pwede ring oo" ani niya. Tumango-tango ako. *** Matapos ang eksenang yun, pinag-narrate ako para sa character kong si Margaux. "Matapos ang araw na iyon. Napagpasyahan naming sa susunod na buwan na kami ikakasal at beach wedding ang tema ng kasal namin sa isa sa mga resort nila. Nagsimula na kaming gumawa ng invitations, at ang list ng mga abay, maid of honor, etc. Lumipas ang mga ilang araw. Ngayon nagsusukat na ako ng wedding gown, ilang raw na lang ikakasal na kami ni Vince" pagna-narrate ko sa karakter kong si Margaux. "Magaling! Bukas na tayo magpatuloy, dumeretso na agad ang lahat bukas sa Fiona's Gown shop, Hanggang lunch time lang tayo, kaya dapat alas-otso nandun na ang leading lady, ang mommy nito at si Mona(extra: yung nagbebenta ng gown). Kahit yun na lang muna ang dumating bukas. Tapos sa lunes na ang iba" mahabang saad ni Direk. Nag-request kasi ako sa kanya na kung pwedeng hanggang lunch time lang kami dahil ihahatid ko pa yung bruha sa airport. Pumayag naman siya dahil talagang hanggang lunchtime lang kami bukas, dahil nga magsusukat na lang gown at kinabukasan na yung kasal nila. Siguro mali ang tantya ko, hanggang tanghali siguro kami. Well, okay na yun. Atleast mahahatid ko si bruha kahit sa airport man lang. Buti na lang at mags-sleep over yung babaitang yun sa bahay, dahil kahit papaano ay mami-miss ko siya. Siya lang kasi ang bestfriend ko at laging kasama ko. Pero, ngayon nadagdagan naman ng isa kahit papaano. Si Harvey. Sana lang di plastic yun. Tss. Dahil ayoko sa mga kaibigang pinaplastik at pinepeke ako. Baka mabigwasan ko sila sa mukha. -_- *** EDITED. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD