Xzyra's Point of View "Hello po, Mr. and Mrs. Harrison!" Bati ko sa mga magulang ni Harvey ng nakita ko sila. Pinasadahan ako mula ulo hanggang paa ng mommy ni Harvey. Bago siya tumingin sa akin saka kay Harvey. Tapos bumalik ulit sa akin. 'Patay! Mukhang masungit pa yung mama niya, ah' "Mom, wag kang ganyan! Tinatakot mo si Xzy, eh" Nabura sa isipan ko yun ng bigla siyang ngumiti at bigla akong niyakap. "Yiiee! Bagay kayo ni Harv! Welcome to the family Xzy!" Sabi ng mommy niya. Okay, don't judge a book by its cover nga. "Ah, hehehe. Salamat po Mrs. Harrison" saad ko na medyo naiilang sa pagyakap niya. Humiwalay siya sa pagyakap sa akin. "Ah, call me tita na lang! At call him tito. Nakakailang naman kung girlfriend ka ng anak ko pero Mr and Mrs Harrison ang itatawag mo sa amin"

