Troy Mercado Kinagabihan, matapos ang paghaharap namin ni Michelle sa Papa nito, sumama na siya nang tuluyan sa 'min pauwi matapos nitong sabihin na aalis ito sa bahay nila kapag hindi pa rin nagsalita ang Papa niya. Naging masakit para kay Michelle ang humantong sa desisyong 'yun dahil mahirap sa parte niya ang malayo ang loob sa ama nito. Hindi niya matanggap na capable ang Papa niya na gumawa nang mga ganoong bagay. Labag sa kalooban ni Michelle ang paglayo rito pero 'yun ang kinakailangan niyang gawin. To maintain her respect to her father. Nang hindi pa rin tuluyan mawala ang pagmamahal nito sa kabila nang panlolokong ginawa nito. Matapos ang hapunan, umakyat na ako papunta sa kwarto upang tulungan si Michelle ayusin ang mga gamit niya pero hindi ko siya naabutan doon. Tinignan ko

