Matapos ng pagtatagpo nila Michelle at Troy, nakaramdam sila pareho nang pagka-ilang. Sa tagal na panahon nilang hindi nagkita at sa tagal na panahon nilang hinintay ang pagkakataong ito, sa halip na mag-usap sila tungkol sa mga bagay na nangyari sa kanila nitong nakaraan mga taon, mas nanaig ang katahimikan sa pagitan nila. OO, handa na silang dalawa harapin ang isa't isa pero hindi nila matagpuan ang nararapat na mga salita upang mawala ang katahimikan bumabalot sa kanila. Bukod kila Troy at Michelle, nagulat rin sila Kent at Rachelle sa pagtatagpo nang mga kapatid nila. Pinaplano palang ni Rachelle kung paano paghaharapin ang dalawa pero hindi nito inaasahan na sa ganitong pagkakataon sila magkikita. Sa espesyal na araw ng kanilang anak. Maging si Kent ay nabigla ng malaman na si Mi

