Linggo ng umaga matapos ang misa, kailangang magtungo nila Ethan at Lizelle, mga magulang ni Troy, sa kumpanya nila upang kunin ang mga papeles na dapat pag-aralan na naiwan doon ni Ethan. Nagmaneho na kaagad si Ethan papunta doon. Mabuti nalang at araw ng Linggo, hindi gaanong masikip ang daloy ng trapiko. “Alam mo, Ethan, ngayon ko lang ulit nakitang sobrang saya ng anak natin. Nasa bakasyon pa rin sila ngayon ng mag-i-ina niya. Nakikita ko naman siyang sobrang saya kapag kasama niya si Zach, pero iba `yong mga ngiti niya ngayon.” saad ni Lizelle sa asawa nito. Sandali naman siyang nilingon ni Ethan, ngumiti at ibinaling na ulit ang atensyon sa pagmamaneho. “I know and it’s all because of Michelle. Alam nating pareho kung gaano kagusto ni Troy na mabuo na ang pamilya nila at ngayong un

