Michelle Rodriquez Ilang araw matapos ang Family Day sa school, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. I saw Troy with my naked eyes. Almost seven years akong walang balita tungkol sa kanya, halos pitong taong ko siyang hinintay, pitong taong pagdurusang naramdaman ko nang mawala ang anak namin. Hindi ko lubusang maisip na magkikita pa kami, sa lahat ng nangyari sa 'min. Pitong taon na rin lang ang lumipas, panigurado, nakalimutan na niya ako at may pamilya na siyang kinakasama ngayon. Umasa akong babalikan niya ako at ipapaliwanag ang lahat ng dahilan niya kung bakit niya ako iniwan noon pero mukhang malabo na iyon. I almost got my happy ending that time, na akala ko perfect love story na ang mayroon kami, pero hindi pala. Perfect love stories only exist in books. Almost to my happy

