Nagulat si Aialyn ng may dumating na isang lalaking nakasuot ng itim na suit, dala nito ang isang Rezvani Tank, sasabak ba sila sa giyera? Hindi niya maintindihan ang lenggwaheng ginamit ng dalawang lalaki, nakikinig lang siya sa dalawa. Pero ang totoo kanina pa siya kinakabahan. "Shukran jazilan lak," saad ni Hercules sa kaibigang Muslim na si Haji. Nakipag-shake hands muna si Hercules sa matalik na kaibigan bago ito nagpasya na umalis. "Ealaa alrahab walsaeat ya sadiqi," habol nito at mabilis na sumakay sa sarili nitong sasakyan. "Anong lenggwahe iyon?" kunot ang noo ni Aialyn na nakatitig sa mukha ng binata. Naaliw na nakatitig lang sa kanyang maamong mukha si Hercules. "Walimadha tas'alin hdha alshay' ya habibty?" nakangising turan ni Hercules sa dalaga. "Alright, Arabic langua

