"Aray! Yana masakit iyon, a!" reklamo ni Aialyn sa kaibigang si Yana. Balak niya kasing maging isang writer sa Dreame/StaryWriting at sinubukan niyang magsulat ng tragic love story. At sa kagagahan niya kinurot siya ni Yana sa kanyang tagiliran. Napahiyaw siya sa sakit. Pagdakay parang baliw na ngumiti. "At sa tingin mo may readers na magugustuhan ang walang kwentang love story na iyan? Naku, Aialyn magsitigil ka nga, kung gusto mong maging writer sa Dreame dapat hindi ganyang namamatay ang bida, teaser pa lang wala nang magbabasa niyan, hindi pwede iyan noh? Ikaw ang bida kaya kayo dapat ni Hercules ang magkatuluyan, gaga! Jusmiyo marimar!" mahabang litanya ni Yana sa kanya. Inis na ibinigay nito sa kanya ang kanyang maliit na notebook. Napangisi si Aialyn sa itsura ng kaibigan. Hinila

