"Sweetheart, the judge asking you," bulong ni Hercules. Lihim na kinabahan si Hercules. Tila wala sa reyalidad ang isipan ng kanyang bride- to-be. At dahil do'n ay walang sabing sinakop niya ang mga labi nito. Gulat na bumalik sa reyalidad si Aialyn? Damn it! Akala niya totoo ang lahat ng nangyayari. Damn! What was that? "Kanina pa ba siya nagtatanong?" kagat-labi na tanong niya kay Hercules nang putulin nito ang halikan nila. Sinita pa nga si Hercules ng judge dahil wala pa naman daw itong sinasabing you may kiss the bride. Nagtatawanan ang mga bisita nila. Naging comedy tuloy ang kasalan na naganap. Nilibot ni Aialyn ang paningin sa buong venue. Still nasa Palawan sila. At nahagip ng tingin niya ang magandang si Levi Montenegro with his husband Mike Montenegro. So, that was her ima

