Nakaalis na si Rozzean pero bago siya kanina umalis papuntang kumpanya ay sinabi niya sa akin na tatawagan niya ako kapag may libreng oras siya. Hindi ko alam na clingy siya dahil noong unang araw ko dito sa mansyon niya ay nakakatakot ang itsura niya. Napakasungit at talagang mapapaatras ka pag tumingin siya sa iyo. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung ilang beses. Iniisip ko ang naging usapan namin ni Luther at ang mga akto ni Rozzean sa akin. "Exactly. Ayaw kitang bitawan tapos umalis ka na lang bigla. Don't do that again, Tali. If you are going to leave me, tell me, okay? huwag kang basta-basta umaalis dahil ikaw ang palaging hinahanap ng mga mata ko." Hindi ako kaagad nakabawi nang sabihin niya iyon sa akin. He's the sweetest. Ilang beses na akong nakarinig sa kaniya ng m

