Chapter 2

1234 Words
Narito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko na si Thes. Therese Catalina Rivanez. She has a pet house one of her many businesses. Dito ko muna sa kaniya ipagkakatiwala ang aking mga anak. Nakakalungkot man pero wala akong choice kung hindi ang ipaalaga muna sila. "Ilang ba ang mga alaga mo, Tangi?" tanong niya sa akin. "I have 3 cats and 4 dogs. Mababait naman sila, Thes, hindi sila sakit sa ulo. Palaki ko sila kaya mababait sila," sabi ko. Nanghaba ang nguso ni Thes sa sinabi ko. "Matigas ang ulo ng nanay nila at makulit, hindi ako naniniwala." Binigyan niya ako ng form at tinginan ko iyon. "Fill up ka, ilagay mo rin kung kailan mo sila babalikan. Dahil kaibigan kita, may discount ka." Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang ballpen ko sa aking bag at nag-fill up na ako ng form. Hindi ko naman ito gustong gawin, kaya lang ay hindi ko maaaring isama ang mga babies ko. "Saan ka ba pupunta, Tangi? ito ang unang beses na ipapaalaga mo ang mga anak mo sa akin, ah?" tanong ni Thes. "Magbabakasyon lang ng dalawang buwan sa malayo. Malapit na kasi akong sintensyahan," sabi ko at iniabot sa kaniya ang form nang matapos ko nang fill upan. "Sintensyahan?" tanong niya. Tumango ako, "Nakahanap si dad ng lalakeng papakasalan ko, eh. Kilala mo naman ako, Thes, maayos na ang buhay ko kasama ang mga alaga ko pero ayaw pumayag ni dad. Kung ipipilit ko ang gusto ko na huwag mag-asawa ay ipapadala niya ako sa states. Paano naman ang mga anak ko at ang mga businesses ko dito sa pinas?" Inilagay ni Thes sa loob ng envelope ang form at ipinasok na iyon sa loob ng drawer niya. "Talagang gusto ni Tito George na mag-asawa ka, sabagay, naiintindihan ko naman na nais ka niyang malagay sa maayos na buhay at gusto niyang may mag-aalaga sa 'yo. Pero, hindi ko inaasahan na hahanapan ka niya ng mapapangasawa, ha? nainip na talaga ang daddy mo," sambit ni Thes na sinundan pa niya ng tawa. Ako naman ngayon ang nanghaba ang nguso. Iyon nga, mapilit talaga si dad. Akala ko noong una ay kakailanganin ko pang maghanap ng lalake na makakasundo ko para maipakilala sa kaniya, pero noon pala ay may lalake na kaagad siyang nasa isip. Hindi lang iyon, nakausap na niya ang lalake pati na ang mga magulang nito. Ano nga ulit ang pangalan nong lalake? "Oh, siya, may meeting pa akong a-attendan, Tangi. Mauna na ako sa 'yo, iyong mga alaga mo ipapakuha ko na lang sa mga tauhan ko, ha?" sabi ni Thes at tumayo na ito. Tumayo na rin ako, "Naku, nariyan na sila sa sasakyan ko, ipapasok ko na lang." Nagpaalam na ako sa mga babies ko. Masakit man, pero kailangan kong magsakripisyo para sa magandang buhay naming mag-iina. Kailangan kong makakita ng kasamaan ng lalakeng tinutukoy ni dad para magbago ang isip niya at para magawa ko na ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Nang maiwan ko na ang mga anak ko sa pet house ni Thessa ay sunod akong pumunta sa main branch ng flower shop ko. Tinatangi ang pangalan ng flower shop ko at may tatlong branch na ito ngayon. Mahilig ako sa mga bulaklak kahit noong maliit pa lang ako. Namana ko sa mommy, kaya nang tinanong ako ng dad kung anong nais kong negosyo ay hindi na ako nag-isip pa. Flower shop ang kaagad kong sinabi sa kaniya. Nag-invest si dad sa akin, pinalago ko ang negosyo ko, sinuportahan rin ako ng mga kapatid ko hanggang sa makilala ang tinatangi at magkaroon pa ito ng dalawang branch. "Huwag po kayong mag-alala, Ma'am Tangi, hindi po namin pababayaan ang flower shop habang nasa bakasyon kayo," sabi ni Alma ang aking manager. "Naku, salamat! tatawag-tawag ako sa inyo pag may oras ako pero hindi magiging madalas dahil nais kong sulitin ang bakasyon ko," sabi ko sa kanila. Nang masiguro kong nasabi ko na ang lahat ng dapat gawin ay umuwi na ako sa aking sariling bahay. I got my own house when Tinatangi got its second branch. Ayaw ni daddy noon pumayag, ako raw ang bunso dapt ako ang maiwan sa mansyon namin. Pero naroon naman ang isa kong kapatid, at dahil paborito ako ng mommy ay tinulungan niya akong makumbinsi si dad na magkaroon na ng sariling bahay. Masaya ako sa buhay ko, palagi ko iyong sinasabi sa mga magulang ko. But, dad is really persistent. He wanted me to have my own family which is I don't see in the future. Hindi ko talaga nakikita na may asawa ako at mga anak. I am happy now, and it's hard because dad can't understand me. "Nasaan na ba 'yon?" inilinga ko ang aking mga mata sa aking silid. Hinahanap ko iyong mga binili kong simpleng pambahay. Hindi ko kasi maaaring dalhin ang mga damit na mayroon ako dito. Puro branded iyon. Masisira ang plano ko kapag may nakakita ng mga iyon. Bumili ako ng mga simpleng pangbahay na damit para sa aking plano. Isa-isa kong inilagay ang mga iyon sa bag na nabili ko sa taytay kahapon. Wala na talagang atrasan ito... Kailangan kong mabago ang isip ni dad at mangyayari lamang iyon kapag napatunayan kong masama ang ugali ng lalakeng nais niyang mapangasawa ko. "Hindi ko alam bakit ang taas ng tingin ni dad sa lalakeng iyon," sabi ko sa sarili ko habang inilalagay ang mga panty ko sa loob ng bag. Kahit pala pang adult na panty may design pa ng hello kitty. But anyway, it's cute. Pero kung tutuusin ay isa ring mayaman ang nais ni dad para sa akin. Katulad ni dad ay bilyonaryo rin. Naalala ko pa ang sinabi niya kahapon. "Marami kaming matatandang businessmen ang hanga kay Rozzean sa galing niya sa paghawak ng mga negosyo, lalo sa pakikipag-usap, Tangi. Siya ang pinakabata sa mga kilala kong successful na. Kaya't siya rin ang napili ko para sa 'yo. Hindi pa ako nagkakamali sa buong buhay ko, kaya sigurado na ako sa kaniya, anak." Pero ako hindi niya tinanong kung sigurado ba ako, eh. Anyway... Nabasa ko rin sa papel na isa itong CEO. Pero hindi naman ako nai-impress sa mga lalakeng mayaman. Mayaman rin naman kami. Isa pa, I can make my own money. Ayoko ng idea na mag-asawa ng mayaman para mabilhan ako ng mga gusto ko. May sarili akong pera para sa mga luho ko. "Okay! I'm ready!" Nagpaalam namana ako kina dad at mommy na magbabakasyon sa palawan. Hindi na nila ako hahanapin. Isa pa, ang alam ni dad kaya ako humingi ng dalawang buwan ay para mag-enjoy at magbakasyon bago ko makaharap ang lalakeng nais niyang mapangasawa ko. Pero hindi niya alam na pupuntahan ko ang Rozzean na iyon. Kailangan kong makapasok sa bahay niya, at malaman ang mga gawain niya. Kailangan kong malaman kung tunay ngang mabuti siyang lalake dahil naniniwala ako na walang single man na hindi naloloko sa mga babae. Lalo pa at isa siyang bilyonaryo. Marami siyang pera. Nababasa ko sa mga novels iyon. Ang mga bilyonaryo ay mahilig sa s*x! imposibleng wala siyang ikinakamang babae at iniuuwi sa mansyon niya. At kapag nakakuha ako ng ebidensya na babaero siya at marami siyang babae ay uuwi ako at ipapakita iyon kay dad. Sa ganoon ay makuha ko na ang kalayaan na gusto ko. Magaling at matalino ka talaga, Tangi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD