I saw him sitting on the corner of his bed. Nakatalikod sa akin. "Manang, I said I don't want to eat. Ilang beses ko ba na sasabihin sa 'yo--" Nakita ko ang sandaling gulat sa mga mata niya nang makita ako ngunit napalitan rin kaagad iyon ng galit. "What are you doing here?" Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang hawak ang mga pagkain na iniluto ko para sa kaniya. Nakita ko na kinuha niya ang saklay sa gilid at tumayo siya upang makalapit sa akin. "Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan kagabi, ha? Miss. Dela Vezca?" "R-Rozzean... sinabi sa akin ni manang n-na hindi ka pa raw kumakain simula kaninang umaga. N-Nagluto ako ng pagkain para sa 'yo--" Nang makalapit siya sa akin ay napahinto ako sa pagsasalita nang itaob niya ang mga iniluto ko. Napasinghap ako nang

