Hindi ako makagalaw. I was crying so hard. Hindi ko na inisip kung maririnig ba ako ni Luther at ni manang pero hindi ko kayang pigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nasa isip ko lang dati ang mga masamang tingin ni Rozzean sakaling magsabi ako sa kaniya ng totoo, pero hinigitan pa noon ang lahat ng naisip ko. His anger at me made me understand that the chance that we could be together again was so low. Sobrang baba ng tyansa na mapatawad niya ako dahil sa ginawa ko. I understand because he trusted me. Tama siya sa sinabi niya kanina na kung hindi niya naman ako pinapasok at tinanggap noong nagmakaawa ako sa harapan ng village ay hindi ito mangyayari sa kaniya. Hindi siya mahuhulog sa akin at masasaktan ng ganito. "Anak..." Pinunasan ko ang aking magkabilang pisngi nang marini

