Pagkatapos ng nangyari sa business room ay wala akong narinig kay Rozzean na balita tungkol sa sinabi nung matanda na kakasuhan ako. Sa totoo lang ay hindi ako napakali ng ilang araw, iniisip na baka makaapekto ang ginawa ko sa sitwasyon niya sa kumpanya. Lalo sa narinig ko na sasabihin ni Mr. Vidar ang nangyari sa ama ni Rozzean. Inisip ko kung may naikwento si Daddy tungkol sa kay Mr. Valleje. Pero wala akong narinig kay Daddy tungkol sa ama ni Rozzean, kung mabuti ba ito o strikto kaya't mas lalo akong natakot. Nandito ako ngayon sa rooftop at naglilinis. Napatingin ako sa ibaba--sa pool. Nakita ko ang aking boss na nakaharap sa laptop niya at nagtitipa. Kahit sabado ay nagtatrabaho pa rin. "Kung tutuusin ay maaari na akong umuwi, mukhang tama naman ang lahat ng sinabi ni Daddy. na m

