Thaliana Tangi Dela Vezca Bantay sarado ako ngayon at hindi maaaring umalis sa mansyon ng aking mga magulang. Naghigpit si Daddy, naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Ayoko na rin na salungatin pa siya dahil iba na ang galit niya. Nang sinabi niya sa akin na wala siyang balak na galawin ang kumpanya ni Rozzean ay napanatag ako. Iyon lang naman ang iniisip kong talaga. Ayoko na dahil sa nangyari sa akin ay mas magalit siya kay Rozzean. Hindi naman nito kasalanan. Ako ang hindi nag-ingat. "Thaliana, anak?" Napatingin ako sa pinto ng aking silid nang marinig ang boses ni Mommy. Bumangon ako mula sa kama at lumapit doon. "Mom?" Nakangiti siya sa akin nang buksan ko ang pinto at makita ko siya. "May bisita ka anak." Bago ko po maitanong kung sino ay biglan

