"IS IT REALLY okay for you that I will leave?" Tinitigang mabuti ni Precious ang mga mata ni Price habang pailang beses na itong nagpapaalam sa kanya na aalis. Pagkagising na pagkagising pa lamang niya ay sinabi na nito na kailangan nitong umalis upang samahan si Hannah na magpa-check up sa psychologist nito ngayong araw. Bagong dating pa lamang nila sa Pilipinas pero sa halip na pagpapahinga ang pag-aksayahan nilang dalawa ay pag-aasikaso sa best friend ng kapatid ni Price ang inaalala nila. "Ang kulit mo, ha? Sabi ng okay nga lang, eh. Kaya naman tayo umuwi sa Pilipinas ay dahil sa kanya 'di ba?" pang-ilang sagot na rin niya. Napabuntong-hininga ito. "I didn't expect that this day would come and---" "Ang drama mo talaga. Sinabi ng okay nga lang, eh. Naiintindihan ko," "Hindi labas s

