DAHIL may hangover sa nangyari nang nakaraang gabi ay nang sumunod na araw na lamang ginawa nina Precious at Price ang sunod na nakalista sa notebook niya. Masyado kasi silang naging wasted nang nagdaang gabi at hapon na sila nagising. Naisip ni Price na kung itutuloy pa nila ang susunod na plano niya ay baka hindi lang daw niya iyon ma-enjoy kaya ipagsabukas na lamang daw nila lahat. Sumang-ayon naman siya doon. In-spend na lamang nila ang natitira pang araw sa apartment nito na sa totoo lang ay parang dumaang araw lamang din naman sa kanilang dalawa. Paano kasi, pagkatapos nilang kumain nang halos sabay silang maggising ay natulog muli silang dalawa. Hindi na rin kataka-taka iyon dahil sa naging pagod nila nang nagdaang gabi, lalong-lalo na siya na hindi naman sanay sa mga ganoong klasen

