Episode 16? Francesca’s POV Nakaharap ako sa vanity table ng kwarto na inaakupa ko at inaayusan ang sarili. Gusto kong maging presentable sa harap ng mga magulang ni Mayor Mikee. Hindi pa naman kami ni Mayor Mikee pero ewan ko ba kung bakit gustong-gusto kong ma impress ang mga magulang niya. Gusto kong maging maganda ang tingin nila hindi tulad kanina na mukha akong tinuka ng manok ng ilang beses dahil sa sabog kong buhok. Gusto kong maging ka aya-aya sa mga mata ng mga magulang ni Mikee kahit na magmukhang maayos lang ako sa kanila okay na dahil talo naman na ako pagdating sa utak. “Francesca? Tapos ka na bang mag-ayos?” Tanong sa akin ni Mayor Mikee na nasa labas ng kwarto. Tumayo ako sa vanity chair at tumakbo papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mayor Mikee n

