CHAPTER THREE
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa pag solve ng radio active decay, madali lang naman yun ah!!" Medyo may bahid ng inis na tanong ni louie kay eisha ng sabadong iyon. He's not totally pissed peri pakiramdam niya, malapit na siyang sumabog sa inis. The fact that he already explained everything to eisha about the radio active solving na hindi makuha kuha ng dalaga ang kinaiinis niya. Ang ayaw niya sa lahat ay yung 'bobo' but here he is, tutoring one and worst is the girl who had just yold him that she loves him. Napasapo siya sa kanyang noo.
'For Peter's sake! Sinalo na yata ng babaeng to ang kabobohan!" Inis na palatak ng isip niya.
"How many times do I have to tell you that you just have to minus the parent and the emitted particle! Napakasimple nun, Di mo pa makuha!!" Hindi niya napigilang sabihin iyon sa dalaga. Nakita niyang nasaktan ito pero wala siyang paki alam, he badly wanted to finish this tutorial.
"Sorry"
"Next time, wag kang tatanga tanga, Mag aral ka, Ang bobo mo pa naman!" Gusto niyang bawiin ang nasabi niya pero huli na, He saw how she turned her head down and her tears were falling na agad naman nitong pinupunasan.
"Sorry, Pasensiya na ! Hindi kasi ako pinanganak na magaling eh! Average lang kasi ang utak ko, o siguro nga, mas mababa pa kaysa doon.." sumbat nito sa kanya na ikinatahimik.
"Alam kong bobo ako louie pero huwag mo namang sagarin ang paglait mo! Tao lang din ako, Sana maintindihan mo yun!" Dagdag nitong sabi habang naglandasan na ang kanyang mga luha. He felt guilty, The girl was right. She was also a human with feelings.
******* ****** ***** ****
'Kung may problema, harapin mo.' Iyon lagi ang sinasabi ng kanyang mga magulang pero ngayon ay tumatakbo siya, palayo sa problema niya. Hindi niya mapigilang humagulgol. Kasalanan niya ba na hindi niya naintindihan ang itinuro ni louie sa kanya? Naiiyak at nagagalit siya sa kanyang sarili sa isiping bakit sa lahat ng tao na magsasabi sa kanya ng ganon ay ang lalaking kanya pang minahal.
"Bakit niyo po ba kasi ako ginawang bobo? Kung hindi sana ako bobo, malamang hindi ako masasaktan!!" Humihikbing tanong niya. Siguro nga, Kung may makakakita sa kanya ay pagtatawanan siya ng mga ito. Iisipin nilang napakabata pa niya para magmahal, but Can she controlled her own fate? Kung kaya niya, malamang ay hindi siya apektado sa mga sinabi ni louie, dahil isa siya sa mga taong tinatawag nilang may sariling mundo. Pero hindi kasi ganun kadali na malaman niyang mahal na pala niya si louie. She was a teenager for godsake!
"Eisha..." Napalingon siya sa nagsalita. Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at panandaliang tumawa pero natalo parin siya ng damdamin niya.
"Ano? Nandito ka para sumbatan ako? Go on!!! Tell me!!! Gusto ko pang marinig ang mga panlalait mo.. Napaka BOBO ko ba masyado para laitin mo?" Para siyang isang bata na nawalan ng kendy. Hindi maampat ang mga luha niyang naglalaglagan.
"I'm sorry..."
Kusang natigil siya. Nag sorry ito sa kanya? Tinignan niya ng may lungkot ang binata na tahimik lang matapos iyong sabihin sa kanya. Wondering why louie treated her like that, pero kung sa iba, hindi naman.
"Kusa bang maaalis ng sorry mo ang sugat na ginawa ng bibig mo?" Bagamat may mga luha sa kanyang mata ay naisatinig parin niya iyon. Ng makita niyang hindi sasagot ang binata ay nadismaya siya.
"I wish I never known your existence " aniya at tinalikuran ito. Sa hindi malamang kadahilanan ay naging malabo ang pag tingin niya sa daanan niya which makes her fall to the ground.
Nagising siya sa hindi pamilyar na silid. Beside her was louie, sleeping peacefully. Pinilit niya ang kanyang sarili na bumangon, dahilan para magising si louie.
"Hi.. Gising ka na pala.."
"Yeah, apparently im going home!" Walang pakundangan niyang sagot at naglakad papunta sa pintuan ng apartment ni louie.
"I prepared dinner--"
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at liningon niya si louie. Sinubukan niyang hulihin ang mga mata nito na nagawa naman niya.
"Thanks, but I am going home.and don't worry, I will study HARD.." sinadya niyang diniinan ang pagsabi non bago siya lumabas.