Agad naman siyang umupo sa swivel chair niya na parang hari at matamang nakatitig sa akin. "Sige tumitig ka lang at mamaya dudukotin ko na 'yang pares ng mga mata mong makasalanan," I said. Umangat ang labi niya sa sinabi ko at dinalaan ang labi niya. Nangse-seduce pa 'tong lalaking 'to? At talagang sobrang nakakaakit siya. Hindi sobrang sakit ang pinadama niya sa akin dapat lang hindi ako magpapadala. "Ano ba talaga ang dahilan mo at pinatawag mo ako? Ang kapal din talaga ng apog mo noh. Kung ako sayo hindi ko kayang umarte na parang wala lang nangyari noon. Ay, nakalimutan ko ikaw pala ang tipo ng taong wala ni isang katiting ng hiya sa katawan." Agad namang nagbago ang timpla ng mukha niya at seryosong tumingin sakin. "Alexandrizz, what I have done before was unforgivable. You don

