"How are you feeling now Alex?" Nag-aalalang mukha ni Zane ang tumambad sa akin. Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa kaniya. Napatingin ako sa paligid ko at kaagad na napahinga nang malalim. Nasa hospital ako. "Anong nangyari?" nagugulohan kong tanong. "You collapsed the other day. Sabi ng Doctor over fatigue at dehydration," he stated. Kaya pala pakiramdam ko ay hinang-hina na ako. "I'm sorry kung naging pabigat ako, Zane," malungkot kong ani sa kaniya. "You know that you will never be a burden to me, Alex. Pero kung magpapatuloy ka pa sa ganito hindi ko lang alam kung hanggan saan pa. You are self destructing. Huwag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo dahil sa problema mo," mahinahong ani niya sa akin. "Pasensiya na," tanging na sabi niya. Nahiya naman ako kasi kahi

