"Parang ang gaan sa feeling best na kahit ako lang mag-isang nakatira sa condo ko ramdam ko ang katahimikan. Iyong peace of mind na matagal ko nang inaasam-asam," nakangiti kong ani kay Shanleyh dito sa tambayan namin. Naikwento ko na rin sa kaniya ang nangyari noong isang araw na umalis ako. Nagpapa-salamat na rin ako dahil hindi nagtatagpo ang landas namin ni King. "Hmm, I'm happy for you best. Paano si King? I mean paano kung magkita kayo dito sa campus too small world after all," saad niya. "Ito nakaka-survive naman, TT muna," sagot ko sa kaniya. "Hoy! Ano 'yang TT na 'yan? Parang napaka-ganda sa tenga," nakangising ani niya. Agad ko naman siyang binatukan. "Gaga! Tago nang tago I mean. Bahala siya may sarili siyang buhay noh bahala siya sa buhay niya," walang ganang ani ko. Ha

